Surah Al-Anaam Translated in Filipino
الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَجَعَلَ الظُّلُمَاتِ وَالنُّورَ ۖ ثُمَّ الَّذِينَ كَفَرُوا بِرَبِّهِمْ يَعْدِلُونَ
Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah, Siya (ang Tanging Isa) na lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, at nagpasimula ng kadiliman at liwanag, datapuwa’t ang mga hindi sumasampalataya ay nagturing sa iba pa bilang kapantay ng kanilang Panginoon
هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ مِنْ طِينٍ ثُمَّ قَضَىٰ أَجَلًا ۖ وَأَجَلٌ مُسَمًّى عِنْدَهُ ۖ ثُمَّ أَنْتُمْ تَمْتَرُونَ
Siya ang lumikha sa inyo mula sa malagkit na putik, at pagkatapos ay nagtakda ng isang natataningang panahon (para sa inyong kamatayan). At mayroon ding nasasa-Kanya na isang natataningang panahon (para sa inyong muling pagkabuhay), datapuwa’t kayo ay nag-aalinlangan (sa Muling Pagkabuhay)
وَهُوَ اللَّهُ فِي السَّمَاوَاتِ وَفِي الْأَرْضِ ۖ يَعْلَمُ سِرَّكُمْ وَجَهْرَكُمْ وَيَعْلَمُ مَا تَكْسِبُونَ
At Siya si Allah, (ang tanging dapat na sambahin lamang) dito sa mga kalangitan at kalupaan, talastas Niya kung ano ang inyong inililingid at inyong inilalantad, at batid Niya kung ano ang inyong kinita (sa mabuti man o masama)
وَمَا تَأْتِيهِمْ مِنْ آيَةٍ مِنْ آيَاتِ رَبِّهِمْ إِلَّا كَانُوا عَنْهَا مُعْرِضِينَ
At hindi kailanman ang isang Ayah (tanda) ay dumatal sa kanila mula sa Ayat (mga katibayan, talata, tanda, kapahayagan, atbp.) ng kanilang Panginoon, na hindi nila ito tinalikuran
فَقَدْ كَذَّبُوا بِالْحَقِّ لَمَّا جَاءَهُمْ ۖ فَسَوْفَ يَأْتِيهِمْ أَنْبَاءُ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
Katotohanang sila ay nagtakwil sa katotohanan (kay Muhammad, alalaong baga, isang katungkulan na manalig sa kanyang pagka-Propeta) nang (siya) ay dumatal sa kanila, datapuwa’t mapag-aalaman nila ang katotohanan ng kanilang mga tinutuya at pinagtatawanan
أَلَمْ يَرَوْا كَمْ أَهْلَكْنَا مِنْ قَبْلِهِمْ مِنْ قَرْنٍ مَكَّنَّاهُمْ فِي الْأَرْضِ مَا لَمْ نُمَكِّنْ لَكُمْ وَأَرْسَلْنَا السَّمَاءَ عَلَيْهِمْ مِدْرَارًا وَجَعَلْنَا الْأَنْهَارَ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهِمْ فَأَهْلَكْنَاهُمْ بِذُنُوبِهِمْ وَأَنْشَأْنَا مِنْ بَعْدِهِمْ قَرْنًا آخَرِينَ
Hindi baga nila napagmasdan kung gaano karaming henerasyon na una pa sa kanila ang Aming winasak? Mga henerasyon na Aming itinindig sa kalupaan, (na may katatagan) na hindi Namin iginawad sa inyo. Sa kanila ay Aming pinamalisbis ang saganang ulan mula sa alapaap, at nagbigay sa kanila ng batis na umaagos sa kanilang (mga paa). Datapuwa’t sila ay Aming winasak dahilan sa kanilang mga kasalanan, at (Kami) ay lumikha pagkaraan nila ng ibang mga henerasyon
وَلَوْ نَزَّلْنَا عَلَيْكَ كِتَابًا فِي قِرْطَاسٍ فَلَمَسُوهُ بِأَيْدِيهِمْ لَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا سِحْرٌ مُبِينٌ
At kahit na ipanaog Namin sa iyo (o Muhammad) ang isang Pahayag (Mensahe) na nasusulat sa papel upang ito ay mahipo ng kanilang mga kamay, ang mga hindi sumasampalataya ay tiyak na magsasabi: “Ito ay wala ng iba maliban sa isang salamangka!”
وَقَالُوا لَوْلَا أُنْزِلَ عَلَيْهِ مَلَكٌ ۖ وَلَوْ أَنْزَلْنَا مَلَكًا لَقُضِيَ الْأَمْرُ ثُمَّ لَا يُنْظَرُونَ
At sila ay nagsasabi: “Bakit kaya ang isang anghel ay hindi ipinadala sa kanya?” At kung Kami ay nagsugo ng anghel, ang pangyayari (o kalalagayan) ay mapagpapasyahan ngayon din, at walang palugit ang igagawad sa kanila
وَلَوْ جَعَلْنَاهُ مَلَكًا لَجَعَلْنَاهُ رَجُلًا وَلَلَبَسْنَا عَلَيْهِمْ مَا يَلْبِسُونَ
At kung Kami ay nagtalaga sa kanya ng isang anghel, katotohanang siya (ang anghel) ay lilikhain Namin bilang isang tao, at katiyakang Kami ay magbibigay sa kanila ng pagkalito sa mga bagay na kanilang tinakpan ng kaguluhan (alalaong baga, ang Mensahe ni Propeta Muhammad)
وَلَقَدِ اسْتُهْزِئَ بِرُسُلٍ مِنْ قَبْلِكَ فَحَاقَ بِالَّذِينَ سَخِرُوا مِنْهُمْ مَا كَانُوا بِهِ يَسْتَهْزِئُونَ
At katotohanan, (marami) ng mga Tagapagbalita ang tinuya at pinagtawanan nang una pa sa iyo, datapuwa’t ang kanilang manunudyo ay napapaligiran ng pinakatampok na bagay na kanilang pinagtatawanan
Load More