Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Anaam Ayahs #156 Translated in Filipino

وَلَا تَقْرَبُوا مَالَ الْيَتِيمِ إِلَّا بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ حَتَّىٰ يَبْلُغَ أَشُدَّهُ ۖ وَأَوْفُوا الْكَيْلَ وَالْمِيزَانَ بِالْقِسْطِ ۖ لَا نُكَلِّفُ نَفْسًا إِلَّا وُسْعَهَا ۖ وَإِذَا قُلْتُمْ فَاعْدِلُوا وَلَوْ كَانَ ذَا قُرْبَىٰ ۖ وَبِعَهْدِ اللَّهِ أَوْفُوا ۚ ذَٰلِكُمْ وَصَّاكُمْ بِهِ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ
At huwag kayong lubhang lumapit sa ari-arian ng mga ulila, maliban na lamang kung ito ay inyong palaguin, hanggang sa siya ay umabot na sa hustong gulang at lakas; at ibigay ang hustong sukat at hustong timbang ng may katarungan. Hindi Namin binibigyan ang isang tao ng dalahin nang higit sa kanyang makakaya. At kailanman, kung kayo ay nagbibigay ng inyong salita (alalaong baga, ang humatol sa pagitan ng mga tao o magbigay patotoo, atbp.), sabihin ninyo ang katotohanan, kahit na nga ang (inyong) malapit na kamag-anak ang nasasangkot, at inyong tuparin ang Kasunduan ni Allah. Ito ay Kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay makaala-ala
وَأَنَّ هَٰذَا صِرَاطِي مُسْتَقِيمًا فَاتَّبِعُوهُ ۖ وَلَا تَتَّبِعُوا السُّبُلَ فَتَفَرَّقَ بِكُمْ عَنْ سَبِيلِهِ ۚ ذَٰلِكُمْ وَصَّاكُمْ بِهِ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
At katotohanang ito ang Aking Tuwid na Landas (alalaong baga, Ang Pag-uutos ni Allah na binabanggit sa mga talatang 151 at 152 na nakasulat sa itaas), kaya’t sundin ninyo ito, at huwag kayong sumunod (sa ibang) mga landas, sapagkat sila ang maghihiwalay sa inyo tungo sa Kanyang Landas. Ito ay Kanyang ipinag-utos sa inyo upang kayo ay maging Muttaqun (mga matimtiman at banal na tao)
ثُمَّ آتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ تَمَامًا عَلَى الَّذِي أَحْسَنَ وَتَفْصِيلًا لِكُلِّ شَيْءٍ وَهُدًى وَرَحْمَةً لَعَلَّهُمْ بِلِقَاءِ رَبِّهِمْ يُؤْمِنُونَ
At Aming ibinigay kay Moises ang Aklat (Torah, mga Batas), upang Aming maganap (ang Aming Paglingap) sa mga gumagawa ng katuwiran, at nagpapaliwanag sa lahat ng bagay sa masusing paraan, upang sila ay magsipanalig sa kanilang pakikipagtipan sa kanilang Panginoon
وَهَٰذَا كِتَابٌ أَنْزَلْنَاهُ مُبَارَكٌ فَاتَّبِعُوهُ وَاتَّقُوا لَعَلَّكُمْ تُرْحَمُونَ
At ito ang banal na Aklat (ang Qur’an) na Aming ipinanaog, kaya’t sundin ninyo ito at pangambahan si Allah (alalaong baga, huwag suwayin ang Kanyang pag-uutos), upang kayo ay makatanggap ng habag (alalaong baga, ang maligtas sa kaparusahan ng Impiyerno)
أَنْ تَقُولُوا إِنَّمَا أُنْزِلَ الْكِتَابُ عَلَىٰ طَائِفَتَيْنِ مِنْ قَبْلِنَا وَإِنْ كُنَّا عَنْ دِرَاسَتِهِمْ لَغَافِلِينَ
(Kung hindi), baka kayo (na mga paganong Arabo) ay magsabi: “Ang Aklat ay tanging ipinadala lamang sa dalawang sekta na nauna sa amin (ang mga Hudyo at mga Kristiyano), at para sa aming panig, sa katunayan, kami ay hindi nakakaalam kung ano ang kanilang pinag-aralan.”

Choose other languages: