Surah Al-Anbiya Translated in Filipino
اقْتَرَبَ لِلنَّاسِ حِسَابُهُمْ وَهُمْ فِي غَفْلَةٍ مُعْرِضُونَ
Papalapit na nang papalapit ang sangkatauhan sa kanilang pagsusulit habang sila ay patuloy sa hindi pagtalima (sa pag- uutos) at tumatalikod
مَا يَأْتِيهِمْ مِنْ ذِكْرٍ مِنْ رَبِّهِمْ مُحْدَثٍ إِلَّا اسْتَمَعُوهُ وَهُمْ يَلْعَبُونَ
Hindi baga sumapit sa kanila ang isang Tagubilin (isang kabanata ng Qur’an) mula sa kanilang Panginoon bilang kamakailan lamang na kapahayagan, subalit nakikinig sila rito habang sila ay abala sa pagbubulakbol
لَاهِيَةً قُلُوبُهُمْ ۗ وَأَسَرُّوا النَّجْوَى الَّذِينَ ظَلَمُوا هَلْ هَٰذَا إِلَّا بَشَرٌ مِثْلُكُمْ ۖ أَفَتَأْتُونَ السِّحْرَ وَأَنْتُمْ تُبْصِرُونَ
Na ang kanilang puso ay pinananahanan (ng masasamang bagay), sila na gumagawa ng kamalian ay naglilingid ng kanilang pribadong tagapayo, (na nagsasabi): “Ito bang (si Muhammad) ay higit pa sa isang tao na katulad ninyo? Kayo ba ay maniniwala sa salamangka habang ito ay inyong namamasdan?”
قَالَ رَبِّي يَعْلَمُ الْقَوْلَ فِي السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۖ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ
Siya (Muhammad) ay nagsabi: “Ang aking Panginoon ay nakakabatid (ng lahat) ng mga salita (na ipinangungusap) sa kalangitan at kalupaan. At Siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Lubos na Nakakaalam.”
بَلْ قَالُوا أَضْغَاثُ أَحْلَامٍ بَلِ افْتَرَاهُ بَلْ هُوَ شَاعِرٌ فَلْيَأْتِنَا بِآيَةٍ كَمَا أُرْسِلَ الْأَوَّلُونَ
Hindi, sila ay nagsasabi: “Ang mga (kapahayagang ito sa Qur’an na ipinadala kay Muhammad) ay mga pinaghalo- halo lamang na panaginip ng kasinungalingan! Hindi, kinatha lamang niya ito! Hindi, siya ay isang makata! Hayaang dalhin niya sa atin ang isang Ayat (Tanda bilang isang Katibayan) na katulad niyaong (mga Propeta) na ipinadala noong pang una!”
مَا آمَنَتْ قَبْلَهُمْ مِنْ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا ۖ أَفَهُمْ يُؤْمِنُونَ
wala isa man sa mga bayan (pamayanan), na Aming winasak, ang nagsisampalataya sa kanila noon (bagama’t Aming pinadalhan sila ng mga Tanda), sila ba ay magsisipaniwala pa
وَمَا أَرْسَلْنَا قَبْلَكَ إِلَّا رِجَالًا نُوحِي إِلَيْهِمْ ۖ فَاسْأَلُوا أَهْلَ الذِّكْرِ إِنْ كُنْتُمْ لَا تَعْلَمُونَ
At hindi Kami nagsugo (O Muhammad) bago pa sa iyo ng ibang (mga propeta) maliban na mga tao na katulad mo na Aming binigyang inspirasyon, kaya’t iyong tanungin ang mga tao ng Pagpapaala-ala (mga Kasulatan, ang Torah [mga Batas], ang Ebanghelyo), kung hindi mo nababatid
وَمَا جَعَلْنَاهُمْ جَسَدًا لَا يَأْكُلُونَ الطَّعَامَ وَمَا كَانُوا خَالِدِينَ
At hindi Namin nilikha sila (ang mga Sugo) na may mga katawang hindi kumakain ng pagkain, gayundin, na sila ay walang kamatayan
ثُمَّ صَدَقْنَاهُمُ الْوَعْدَ فَأَنْجَيْنَاهُمْ وَمَنْ نَشَاءُ وَأَهْلَكْنَا الْمُسْرِفِينَ
Kaya’t tinupad Namin sa kanila ang pangako, at Aming iniligtas sila at yaong Aming hinirang, datapuwa’t Aming winasak ang Al-Musrifun (palalo sa pang-aapi, makasalanan at pagano)
لَقَدْ أَنْزَلْنَا إِلَيْكُمْ كِتَابًا فِيهِ ذِكْرُكُمْ ۖ أَفَلَا تَعْقِلُونَ
Katotohanang Aming ipinadala sa inyo (O sangkatauhan) ang isang Aklat (ang Qur’an), na rito ay mayroong dikhrukum (isang karangalan para sa inyo, alalaong baga, sa sinuman na sumusunod sa pagtuturo ng Qur’an at nagsasagawa ng kanyang mga pag-uutos). Hindi baga kayo makakaunawa
Load More