Surah Al-Araf Translated in Filipino
كِتَابٌ أُنْزِلَ إِلَيْكَ فَلَا يَكُنْ فِي صَدْرِكَ حَرَجٌ مِنْهُ لِتُنْذِرَ بِهِ وَذِكْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ
(Ito ang) Aklat (ang Qur’an) na ipinanaog sa iyo (O Muhammad), kaya’t huwag hayaan ang iyong dibdib dahilan dito ay manliit, upang ikaw ay makapagbigay ng babala at isang Paala-ala sa mga sumasampalataya
اتَّبِعُوا مَا أُنْزِلَ إِلَيْكُمْ مِنْ رَبِّكُمْ وَلَا تَتَّبِعُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ ۗ قَلِيلًا مَا تَذَكَّرُونَ
Ipagbadya [O Muhammad] sa mga paganong [Arabo] mula sa iyong pamayanan): “Sundin ninyo kung ano ang ipinanaog sa inyo mula sa inyong Panginoon (ang Qur’an at Sunna [mga aral at salitain] ni Propeta Muhammad), athuwagkayongsumunod sa anumang Auliya (mga tagapangalaga at kawaksi, atbp. na nag-uutos sa inyo na magtambal ng iba pa sa pagsamba kay Allah), maliban pa sa Kanya (Allah). Kakarampot lamang ang inyong naaala-ala
وَكَمْ مِنْ قَرْيَةٍ أَهْلَكْنَاهَا فَجَاءَهَا بَأْسُنَا بَيَاتًا أَوْ هُمْ قَائِلُونَ
At maraming bilang ng mga bayan (mga pamayanan) ang Amin nang winasak (dahilan sa kanilang kasamaan). Ang Aming kaparusahan ay dumatal sa kanila (nang bigla) sa gabi o habang sila ay natutulog sa kanilang panghapong pamamahinga
فَمَا كَانَ دَعْوَاهُمْ إِذْ جَاءَهُمْ بَأْسُنَا إِلَّا أَنْ قَالُوا إِنَّا كُنَّا ظَالِمِينَ
walang anumang sigaw ang kanilang nasambit nang ang Aming kaparusahan ay sumapit sa kanila maliban sa: “Katotohanang kami ay Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan at mapaggawa ng kabuktutan, buhong, tampalasan, atbp)
فَلَنَسْأَلَنَّ الَّذِينَ أُرْسِلَ إِلَيْهِمْ وَلَنَسْأَلَنَّ الْمُرْسَلِينَ
At katiyakang Aming tatanungin ang (mga tao) na Aming pinadalhan nito (ng Aklat) at katotohanang Aming tatanungin ang mga Tagapagbalita
فَلَنَقُصَّنَّ عَلَيْهِمْ بِعِلْمٍ ۖ وَمَا كُنَّا غَائِبِينَ
At katiyakang Aming isasalaysay sa kanila (ang kanilang buong kasaysayan) ng may kaalaman, at katotohanang Kami ay nakatunghay
وَالْوَزْنُ يَوْمَئِذٍ الْحَقُّ ۚ فَمَنْ ثَقُلَتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
At ang pagtitimbang sa araw na yaon (ang Araw ng Muling Pagkabuhay) ay ang tunay (na pagtitimbang). Kaya’t sila na ang timbang (ng mabubuting gawa) ay mabigat, sila ang mga matatagumpay (sa pagpasok sa Paraiso)
وَمَنْ خَفَّتْ مَوَازِينُهُ فَأُولَٰئِكَ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ بِمَا كَانُوا بِآيَاتِنَا يَظْلِمُونَ
At sa kanila na ang timbang ay magaan, sila ang nagpatalo sa kanilang sarili (sa pamamagitan ng pagpasok sa Impiyerno), sapagkat kanilang ikinaila at itinakwil ang Aming Ayat (mga katibayan, aral, kapahayagan, tanda, atbp)
وَلَقَدْ مَكَّنَّاكُمْ فِي الْأَرْضِ وَجَعَلْنَا لَكُمْ فِيهَا مَعَايِشَ ۗ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ
At katiyakang Kami ay nagbigay sa inyo ng kapamahalaan sa kalupaan at itinalaga Namin sa inyo rito ang inyong ikabubuhay (mga pagkain at pangangailangan). Kakarampot lamang ang pasasalamat na inyong ibinibigay
Load More