Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Araf Ayah #29 Translated in Filipino

قُلْ أَمَرَ رَبِّي بِالْقِسْطِ ۖ وَأَقِيمُوا وُجُوهَكُمْ عِنْدَ كُلِّ مَسْجِدٍ وَادْعُوهُ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ ۚ كَمَا بَدَأَكُمْ تَعُودُونَ
Ipagbadya (o Muhammad): “Ang aking Panginoon ay nag-utos ng katarungan at (nagwika) na Siya lamang ang marapat ninyong harapin (alalaong baga, huwag kayong sumamba sa iba pa maliban kay Allah at humarap sa Qibla, ang Ka’ba sa Makkah sa sandali nang inyong pagdarasal) sa bawat isa at lahat ng lugar ng pagsamba sa pananalangin (at huwag humarap sa iba pang huwad na diyos at mga imahen), at panikluhuran lamang Siya at ituon ang inyong matapat na pananampalataya sa Kanya sa pamamagitan ng hindi pag-aakibat ng anumang katambal sa Kanya, at may pagnanais na ginagawa ninyo ang mga gawang ito tungo sa Kapakanan lamang ni Allah. At sa pasimula, Kanyang inilabas kayo (sa pagkabuhay o pagkakaroon ng buhay), sa gayon din, kayo ay itatambad sa pagiging buo (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) [sa dalawang pangkat, ang isa ay nabibiyayaan (mga sumasampalataya), at ang isa ay kahabag-habag (mga hindi sumasampalataya)

Choose other languages: