Surah Al-Baqara Translated in Filipino
ذَٰلِكَ الْكِتَابُ لَا رَيْبَ ۛ فِيهِ ۛ هُدًى لِلْمُتَّقِينَ
Ito ang Aklat (Qur’an), naririto ang tunay na patnubay na walang alinlangan sa mga may pangangamba kay Allah
الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِالْغَيْبِ وَيُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَمِمَّا رَزَقْنَاهُمْ يُنْفِقُونَ
Na nananalig sa Al-Ghaib (nakalingid) at matimtiman sa pagdalangin at gumugugol sa mga bagay na Aming ipinagkaloob sa kanila
وَالَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِمَا أُنْزِلَ إِلَيْكَ وَمَا أُنْزِلَ مِنْ قَبْلِكَ وَبِالْآخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ
At nananampalataya sa Kapahayagan na ipinadala sa iyo (O Muhammad) at sa ipinahayag nang una pa sa iyo (Torah [mga Batas] at Ebanghelyo) at sa (kanilang puso) ay may pananalig sa Kabilang Buhay
أُولَٰئِكَ عَلَىٰ هُدًى مِنْ رَبِّهِمْ ۖ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Sila ay nasa (tunay na patnubay) mula sa kanilang Panginoon at sila ang magsisipagtagumpay
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا سَوَاءٌ عَلَيْهِمْ أَأَنْذَرْتَهُمْ أَمْ لَمْ تُنْذِرْهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ
At sa mga nagtatakwil sa pananampalataya, ito ay walang pagkakaiba sa kanila kahima’t sila ay iyong paalalahanan o hindi paalalahanan; sila ay hindi sasampalataya
خَتَمَ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ وَعَلَىٰ سَمْعِهِمْ ۖ وَعَلَىٰ أَبْصَارِهِمْ غِشَاوَةٌ ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ عَظِيمٌ
Si Allah ang naglapat ng sagka sa kanilang puso at sa kanilang pandinig, at sa kanilang paningin ay may lambong. Kasakit- sakit ang kaparusahan (na kanilang tatamuhin)
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يَقُولُ آمَنَّا بِاللَّهِ وَبِالْيَوْمِ الْآخِرِ وَمَا هُمْ بِمُؤْمِنِينَ
At sa karamihan ng mga tao ay mayroong nagsasabi: “Kami ay sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw;” datapuwa’t sila ay hindi tunay na nananalig
يُخَادِعُونَ اللَّهَ وَالَّذِينَ آمَنُوا وَمَا يَخْدَعُونَ إِلَّا أَنْفُسَهُمْ وَمَا يَشْعُرُونَ
Kanilang (napag-aakala) na malilinlang nila si Allah at ang mga sumasampalataya; datapuwa’t dinadaya lamang nila ang kanilang sarili at ito ay hindi nila napag-aakala
فِي قُلُوبِهِمْ مَرَضٌ فَزَادَهُمُ اللَّهُ مَرَضًا ۖ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ بِمَا كَانُوا يَكْذِبُونَ
Ang kanilang puso ay may karamdaman (ng alinlangan at pagkukunwari) at si Allah ang nagdagdag sa kanilang karamdaman. At kasakit-sakit ang kaparusahan na sasakanila sapagkat sila ay nahirati sa kasinungalingan
Load More