Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayah #102 Translated in Filipino

وَاتَّبَعُوا مَا تَتْلُو الشَّيَاطِينُ عَلَىٰ مُلْكِ سُلَيْمَانَ ۖ وَمَا كَفَرَ سُلَيْمَانُ وَلَٰكِنَّ الشَّيَاطِينَ كَفَرُوا يُعَلِّمُونَ النَّاسَ السِّحْرَ وَمَا أُنْزِلَ عَلَى الْمَلَكَيْنِ بِبَابِلَ هَارُوتَ وَمَارُوتَ ۚ وَمَا يُعَلِّمَانِ مِنْ أَحَدٍ حَتَّىٰ يَقُولَا إِنَّمَا نَحْنُ فِتْنَةٌ فَلَا تَكْفُرْ ۖ فَيَتَعَلَّمُونَ مِنْهُمَا مَا يُفَرِّقُونَ بِهِ بَيْنَ الْمَرْءِ وَزَوْجِهِ ۚ وَمَا هُمْ بِضَارِّينَ بِهِ مِنْ أَحَدٍ إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَيَتَعَلَّمُونَ مَا يَضُرُّهُمْ وَلَا يَنْفَعُهُمْ ۚ وَلَقَدْ عَلِمُوا لَمَنِ اشْتَرَاهُ مَا لَهُ فِي الْآخِرَةِ مِنْ خَلَاقٍ ۚ وَلَبِئْسَ مَا شَرَوْا بِهِ أَنْفُسَهُمْ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ
Sinusunod nila kung ano ang dinadalit ng mga demonyo (ang kasinungalingan ng salamangka) sa panahon ni Solomon. Si Solomon ay hindi nawalan ng pananampalataya, datapuwa’t ang mga demonyo ay hindi sumampalataya, na nagtuturo sa mga tao ng salamangka at mga bagay-bagay na dumatal sa Babilonia sa dalawang anghel, si Harut at si Marut, datapuwa’t ang sinuman sa kanilang dalawa ay hindi nagturo sa kaninuman (ng gayong bagay) hangga’t hindi sila nakakapagsabi: “Kami ay para sa pagsubok lamang, kaya’t huwag kayong mawalan ng pananalig (sa pamamagitan ng pag-aaral ng ganitong salamangka mula sa amin). Napag-aralan nila sa kanila (mga anghel) ang mga paraan upang magtanim ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng lalaki at kanyang asawa. Datapuwa’t hindi nila masasaktan ang sinuman malibang pahintulutan ni Allah. At natutuhan nila kung ano ang pumipinsala sa kanila at nagbibigay kapakinabangan sa kanila. At batid nila na ang mga tumatangkilik (sa salamangka) ay walang bahagi ng kaligayahan sa Kabilang Buhay. At kabuktutan ang kabayarang halaga, na kanilang ipinagbili ang kanilang kaluluwa kung kanila lamang nalalaman

Choose other languages: