Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayah #187 Translated in Filipino

أُحِلَّ لَكُمْ لَيْلَةَ الصِّيَامِ الرَّفَثُ إِلَىٰ نِسَائِكُمْ ۚ هُنَّ لِبَاسٌ لَكُمْ وَأَنْتُمْ لِبَاسٌ لَهُنَّ ۗ عَلِمَ اللَّهُ أَنَّكُمْ كُنْتُمْ تَخْتَانُونَ أَنْفُسَكُمْ فَتَابَ عَلَيْكُمْ وَعَفَا عَنْكُمْ ۖ فَالْآنَ بَاشِرُوهُنَّ وَابْتَغُوا مَا كَتَبَ اللَّهُ لَكُمْ ۚ وَكُلُوا وَاشْرَبُوا حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكُمُ الْخَيْطُ الْأَبْيَضُ مِنَ الْخَيْطِ الْأَسْوَدِ مِنَ الْفَجْرِ ۖ ثُمَّ أَتِمُّوا الصِّيَامَ إِلَى اللَّيْلِ ۚ وَلَا تُبَاشِرُوهُنَّ وَأَنْتُمْ عَاكِفُونَ فِي الْمَسَاجِدِ ۗ تِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ فَلَا تَقْرَبُوهَا ۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ آيَاتِهِ لِلنَّاسِ لَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ
Pinahihintulutan kayo sa gabi ng pag- aayuno na inyong sipingan ang inyong asawa. Sila ang inyong Libas (pangbalabal sa katawan, o saplot o Sakun [kasiyahan na mamuhay sa kanyang piling]), gayundin naman sila sa inyo. Si Allah ang nakakabatid ng mga ginagawa ninyong pandaraya sa inyong sarili, kaya’t bumaling Siya sa inyo (at tumanggap ng inyong pagsisisi) at (Kanyang) pinatawad kayo. Kaya’t makipag-ulayaw kayo sa kanila at inyong hanapin ang itinalaga ni Allah sa inyo (na mga supling), at kumain kayo at uminom hanggang ang maputing hibla ng pagbubukang liwayway (pagdatal ng liwanag) ay maging lantad kaysa sa hiblang itim (kadiliman ng gabi); at inyong tapusin ang pag-aayuno hanggang sa dumatal ang gabi; datapuwa’t huwag kayong makipag-ulayaw sa inyong asawa kung kayo ay nasa (kalagayan) ng I’tikaf (alalaong baga, ang pamamalagi sa pag-aala-ala at pananalangin kay Allah at paglisan sa lahat ng mga makamundong gawain) sa loob ng moske (bahay dalanginan), ito ang mga pagbabawal na itinalaga ni Allah, kaya’t sila ay huwag ninyong lapitan (o sipingan). Kaya’t sa ganito ay hinahayaan ni Allah na maging maliwanag ang Kanyang Ayat (mga tanda, aral, kapahayagan, katibayan, atbp.) sa sangkatauhan upang kayo ay maging Al-Muttaqun (magkaroon ng kabanalan, damdamin ng katuwiran, kabutihan, atbp)

Choose other languages: