Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Baqara Ayahs #280 Translated in Filipino

يَمْحَقُ اللَّهُ الرِّبَا وَيُرْبِي الصَّدَقَاتِ ۗ وَاللَّهُ لَا يُحِبُّ كُلَّ كَفَّارٍ أَثِيمٍ
Si Allah ay hindi magkakaloob ng anumang biyaya sa riba (pagpapatubo ng salapi), datapuwa’t magbibigay (Siya) ng higit pang (biyaya) sa mga gawa ng pagkakawanggawa sapagkat Siya ay hindi nagmamahal sa mga walang damdamin ng utang na loob ng pasasalamat at makasalanan
إِنَّ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ لَهُمْ أَجْرُهُمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ وَلَا خَوْفٌ عَلَيْهِمْ وَلَا هُمْ يَحْزَنُونَ
Ang mga sumasampalataya at gumagawa ng kabutihan, at nagsasagawa ng palagiang pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-us-Salah) at nagkakaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa), ay mayroong biyaya mula sa kanilang Panginoon; sa kanila ay walang pangangamba, gayundin sila ay walang kalumbayan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا اتَّقُوا اللَّهَ وَذَرُوا مَا بَقِيَ مِنَ الرِّبَا إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ
o kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo si Allah, at inyong ipagparaya (huwag nang ipabayad) ang anumang natira sa tubo ng inyong pautang (magmula ngayon), kung kayo ay tunay na sumasampalataya
فَإِنْ لَمْ تَفْعَلُوا فَأْذَنُوا بِحَرْبٍ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ ۖ وَإِنْ تُبْتُمْ فَلَكُمْ رُءُوسُ أَمْوَالِكُمْ لَا تَظْلِمُونَ وَلَا تُظْلَمُونَ
At kung ito ay hindi ninyo gawin, inyong maalaman ang (mabubuong) digmaan mula kay Allah at ng Kanyang Tagapagbalita (alalaong baga, ang isang nagpapatubo ng salapi ay nakikipaglaban kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalitang si Muhammad), datapuwa’t kung kayo ay magsisi, sasainyo ang halaga na inyong ipinautang. Huwag kayong makitungo ng walang katarungan at kayo rin naman ay hindi pakikitunguhan ng kawalang katarungan
وَإِنْ كَانَ ذُو عُسْرَةٍ فَنَظِرَةٌ إِلَىٰ مَيْسَرَةٍ ۚ وَأَنْ تَصَدَّقُوا خَيْرٌ لَكُمْ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ
At kung ang nagkakautang ay nasa kahirapan (o gipit), inyong gawaran siya ng palugit hanggang sa maging madali sa kanya ang pagbabayad. Datapuwa’t kung ipatawad ninyo ito at ibigay sa kanya bilang kawanggawa, ito ay higit na mainam sa inyo kung inyo lamang nalalaman

Choose other languages: