Surah Al-Fajr Translated in Filipino
وَلَيَالٍ عَشْرٍ
Sa pamamagitan ng sampung gabi (alalaong baga, ang unang sampung araw ng buwan ng Dhul-Hijja)
وَالشَّفْعِ وَالْوَتْرِ
Sa pamamagitan (ng bilang) na pantay at gansal (sa lahat ng mga nilalang ni Allah)
هَلْ فِي ذَٰلِكَ قَسَمٌ لِذِي حِجْرٍ
Katotohanang narito (sa mga sumpang pahayag) ang sapat na katibayan sa mga tao na may ganap na pang-unawa (at dahil dito, sila ay marapat na umiwas sa lahat ng mga kasalanan at kawalang pananalig, atbp)
أَلَمْ تَرَ كَيْفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِعَادٍ
Hindi mo ba namamalas ([o napagtatanto] O Muhammad) kung paano itinuring ng iyong Panginoon ang angkan ni A’ad
الَّتِي لَمْ يُخْلَقْ مِثْلُهَا فِي الْبِلَادِ
Ang katulad nito ay hindi ginawa sa (lahat) ng lupain
وَثَمُودَ الَّذِينَ جَابُوا الصَّخْرَ بِالْوَادِ
At sa angkan ni Thamud na bumabaak ng malalaking bato sa paanan ng bundok (upang gawing tirahan)
وَفِرْعَوْنَ ذِي الْأَوْتَادِ
At kay Paraon na may mga talasok (na nagpapahirap sa mga tao sa pamamagitan ng pagtatali sa mga talasok)
Load More