Surah Al-Furqan Translated in Filipino
تَبَارَكَ الَّذِي نَزَّلَ الْفُرْقَانَ عَلَىٰ عَبْدِهِ لِيَكُونَ لِلْعَالَمِينَ نَذِيرًا
Luwalhatiin Siya na nagpanaog ng Pamantayan (ng wasto at mali, alalaong baga, ang Qur’an), sa Kanyang Alipin (na si Muhammad), upang siya ay maging tagapagbabala sa lahat ng mga nilalang
الَّذِي لَهُ مُلْكُ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلَمْ يَتَّخِذْ وَلَدًا وَلَمْ يَكُنْ لَهُ شَرِيكٌ فِي الْمُلْكِ وَخَلَقَ كُلَّ شَيْءٍ فَقَدَّرَهُ تَقْدِيرًا
Siya (Allah) na nag-aangkin ng kapamahalaan ng kalangitan at kalupaan, at Siya na hindi nagkaroon ng anak (mga supling o lahi), at Siya na tanging walang kahati sa Kanyang pamamahala. Nilikha Niya ang lahat ng bagay, at Kanyang sinukat ito nang wasto ng ayon sa kanilang ganap na sukat
وَاتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ آلِهَةً لَا يَخْلُقُونَ شَيْئًا وَهُمْ يُخْلَقُونَ وَلَا يَمْلِكُونَ لِأَنْفُسِهِمْ ضَرًّا وَلَا نَفْعًا وَلَا يَمْلِكُونَ مَوْتًا وَلَا حَيَاةً وَلَا نُشُورًا
Magkagayunman ay nag-angkin pa sila ng ibang diyos maliban pa sa Kanya, na walang anumang nilikha bagkus sila ang nilikha, at hindi nagtataglay ng anumang kasahulan o kapakinabangan sa kanilang sarili, at hindi nagtataglay ng anumang kapangyarihan (upang magbigay) ng kamatayan, (o magkaloob) ng buhay, gayundin nang pagpapabangon sa patay
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا إِنْ هَٰذَا إِلَّا إِفْكٌ افْتَرَاهُ وَأَعَانَهُ عَلَيْهِ قَوْمٌ آخَرُونَ ۖ فَقَدْ جَاءُوا ظُلْمًا وَزُورًا
Sila na mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Ito (ang Qur’an) ay walang iba kundi kasinungalingan na kinatha niya (Muhammad), at ang iba ay tumu-long sa kanya rito, kaya’t sila nga ay nagpahayag (nagparatang) ng walang katarungan at maling (bagay), at isang kabulaanan.”
وَقَالُوا أَسَاطِيرُ الْأَوَّلِينَ اكْتَتَبَهَا فَهِيَ تُمْلَىٰ عَلَيْهِ بُكْرَةً وَأَصِيلًا
At sila ay nagsasabi: “Mga kuwento lamang ng panahong lumipas, na kanyang isinulat, at ang mga ito ay idinikta lamang sa kanya sa umaga at hapon.”
قُلْ أَنْزَلَهُ الَّذِي يَعْلَمُ السِّرَّ فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنَّهُ كَانَ غَفُورًا رَحِيمًا
Ipagbadya: “Ito (ang Qur’an), ay ipinanaog Niya (Allah, ang Tunay na Pangi- noon ng kalangitan at kalupaan), na nakakabatid ng lahat ng lihim ng kalangitan at kalupaan. Katotohanang Siya ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَقَالُوا مَالِ هَٰذَا الرَّسُولِ يَأْكُلُ الطَّعَامَ وَيَمْشِي فِي الْأَسْوَاقِ ۙ لَوْلَا أُنْزِلَ إِلَيْهِ مَلَكٌ فَيَكُونَ مَعَهُ نَذِيرًا
At sila ay nagsasabi: “Bakit itong Tagapagbalita (Muhammad) ay kumakain ng pagkain, at lumilibot sa mga pamilihan (na katulad namin). Bakit hindi ang isang anghel ang ipinadala sa kanya upang maging kasama-sama niya sa kanyang pagbibigay ng babala?”
أَوْ يُلْقَىٰ إِلَيْهِ كَنْزٌ أَوْ تَكُونُ لَهُ جَنَّةٌ يَأْكُلُ مِنْهَا ۚ وَقَالَ الظَّالِمُونَ إِنْ تَتَّبِعُونَ إِلَّا رَجُلًا مَسْحُورًا
“o (bakit) kaya hindi isang kayamanan ang ipinagkaloob sa kanya, o hindi kaya isang halamanan kung saan siya ay maaaring kumain? At ang Zalimun (mga buktot, buhong, pagano, atbp.) ay nagsasabi: “Kayo ay sumusunod lamang sa isang tao na inaalihan (ng demonyo).”
انْظُرْ كَيْفَ ضَرَبُوا لَكَ الْأَمْثَالَ فَضَلُّوا فَلَا يَسْتَطِيعُونَ سَبِيلًا
Tingnan kung paano sila nagbibigay ng paghahambing sa iyo, kaya’t sila ay napalayo sa pagkaligaw, at sila ay hindi makakatagpo ng (tamang) Landas
تَبَارَكَ الَّذِي إِنْ شَاءَ جَعَلَ لَكَ خَيْرًا مِنْ ذَٰلِكَ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ وَيَجْعَلْ لَكَ قُصُورًا
Kapuri-puri Siya, na kung Kanyang naisin, ay maggagawad sa inyo ng higit na mabuti sa (lahat) ng mga iyan, - mga Halamanan na sa ibaba nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), at magbibigay sa inyo ng mga Palasyo (alalaong baga, Paraiso)
Load More