Surah Al-Ghashiya Translated in Filipino
هَلْ أَتَاكَ حَدِيثُ الْغَاشِيَةِ
Nakarating na ba sa iyo ang balita ng kasindak- sindak na sandali (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay)
وُجُوهٌ يَوْمَئِذٍ خَاشِعَةٌ
Sa Araw na yaon, ang maraming mukha ay magiging aba (alalaong baga, ang mukha ng mga Hudyo at Kristiyano, atbp)
عَامِلَةٌ نَاصِبَةٌ
Na gumagawa (ng buong pagsisikap sa makamundong buhay sa pagsamba sa mga iba tangi pa kay Allah), na tigib ng sakit at napapagal (sa Kabilang Buhay dahilan sa pagkadusta at kahihiyan)
لَيْسَ لَهُمْ طَعَامٌ إِلَّا مِنْ ضَرِيعٍ
At walang anumang pagkain dito para sa kanila maliban sa mapait at matinik na bungangkahoy at halaman
لَا يُسْمِنُ وَلَا يُغْنِي مِنْ جُوعٍ
Na hindi makakapagbigay lakas o kabusugan sa kanila at makakapawi ng gutom
لِسَعْيِهَا رَاضِيَةٌ
Na nasisiyahan sa kanilang pinagsikapan (sa mabubuting gawa na kanilang ginawa sa mundong ito, kasama na ang Tunay na Pananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
Load More