Surah Al-Hajj Translated in Filipino
يَا أَيُّهَا النَّاسُ اتَّقُوا رَبَّكُمْ ۚ إِنَّ زَلْزَلَةَ السَّاعَةِ شَيْءٌ عَظِيمٌ
o sangkatauhan! Pangambahan ninyo ang inyong Panginoon at maging masunurin sa Kanya! Katotohanan, ang lindol sa oras (ng Paghuhukom) ay isang kasindak- sindak na bagay
يَوْمَ تَرَوْنَهَا تَذْهَلُ كُلُّ مُرْضِعَةٍ عَمَّا أَرْضَعَتْ وَتَضَعُ كُلُّ ذَاتِ حَمْلٍ حَمْلَهَا وَتَرَى النَّاسَ سُكَارَىٰ وَمَا هُمْ بِسُكَارَىٰ وَلَٰكِنَّ عَذَابَ اللَّهِ شَدِيدٌ
Sa Araw na mapagmamalas ninyo ito, ang bawat nagpapasusong ina sa kanyang anak ay makakalimot sa kanyang inaalagaan, at ang bawat nasa sinapupunan ng nagdadalang taong babae ay malalaglag (siya ay makukunan), at inyong mamamasdan ang sangkatauhan na waring mga lasing, ngunit sila ay hindi malalango, datapuwa’t napakatindi ng Kaparusahan ni Allah
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُجَادِلُ فِي اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَيَتَّبِعُ كُلَّ شَيْطَانٍ مَرِيدٍ
At mayroon sa karamihan ng sangkatauhan ang nakikipagtalo tungkol kay Allah, ng walang kaalaman, at sumusunod sa bawat mapaghimagsik (palasuway kay Allah) na demonyo (salat sa lahat ng uri ng kabutihan)
كُتِبَ عَلَيْهِ أَنَّهُ مَنْ تَوَلَّاهُ فَأَنَّهُ يُضِلُّهُ وَيَهْدِيهِ إِلَىٰ عَذَابِ السَّعِيرِ
At para sa kanya (demonyo), rito ay ipinag-utos, ang sinumang sumunod sa kanya, kanyang ililigaw siya, at siya ay kakaladkarin niya sa Kaparusahan ng Apoy
يَا أَيُّهَا النَّاسُ إِنْ كُنْتُمْ فِي رَيْبٍ مِنَ الْبَعْثِ فَإِنَّا خَلَقْنَاكُمْ مِنْ تُرَابٍ ثُمَّ مِنْ نُطْفَةٍ ثُمَّ مِنْ عَلَقَةٍ ثُمَّ مِنْ مُضْغَةٍ مُخَلَّقَةٍ وَغَيْرِ مُخَلَّقَةٍ لِنُبَيِّنَ لَكُمْ ۚ وَنُقِرُّ فِي الْأَرْحَامِ مَا نَشَاءُ إِلَىٰ أَجَلٍ مُسَمًّى ثُمَّ نُخْرِجُكُمْ طِفْلًا ثُمَّ لِتَبْلُغُوا أَشُدَّكُمْ ۖ وَمِنْكُمْ مَنْ يُتَوَفَّىٰ وَمِنْكُمْ مَنْ يُرَدُّ إِلَىٰ أَرْذَلِ الْعُمُرِ لِكَيْلَا يَعْلَمَ مِنْ بَعْدِ عِلْمٍ شَيْئًا ۚ وَتَرَى الْأَرْضَ هَامِدَةً فَإِذَا أَنْزَلْنَا عَلَيْهَا الْمَاءَ اهْتَزَّتْ وَرَبَتْ وَأَنْبَتَتْ مِنْ كُلِّ زَوْجٍ بَهِيجٍ
O sangkatauhan! Kung kayo ay nag-aalinlangan tungkol sa Muling Pagkabuhay, kung gayon, katotohanang Aming nilikha kayo (tulad ni Adan) mula sa alabok, at mula sa Nutfah (magkahalong semilya ng lalaki at babae), at mula sa kimpal (isang makapal na piraso ng namuong dugo), at sa maliit na tambok ng laman, ang iba ay nagkahubog at ang iba ay hindi nahubog (nakunan o nalaglag sa pagdadalang- tao), upang magawa Namin (ito) na maliwanag sa inyo (alalaong baga, ang maipamalas ang Aming kapangyarihan at kakayahan na magawa ang anumang Aming maibigan). At pinahihintulutan Namin ang sinumang Aming maibigan na manatili sa loob ng sinapupunan (ng babae) sa isang natatakdaang panahon, at Aming iniluwal kayo bilang mga sanggol, (at binigyan kayo ng kakayahang lumaki) upang inyong sapitin ang gulang ng may hustong lakas. At sa lipon ninyo ay mayroong namamatay (na bata pa), at sa lipon ninyo ay mayroong nagbabalik sa mahirap na katandaan, kaya’t wala siyang natatandaan matapos na kanyang maalaman ([noon], o nagiging ulyanin o isip-bata). At namamasdan ninyo ang kalupaan na tuyot, datapuwa’t nang Aming pamalibisbisin ang tubig (ulan) sa mga ito, ito ay naantig sa pagkabuhay, ito ay nanariwa at tumubo rito ang lahat ng uri ng kaakit-akit na pagtubo
ذَٰلِكَ بِأَنَّ اللَّهَ هُوَ الْحَقُّ وَأَنَّهُ يُحْيِي الْمَوْتَىٰ وَأَنَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Ito’y sapagkat si Allah, Siya ang Katotohanan, at Siya ang nagbibigay ng buhay sa patay, at Siya ang Nakakagawa ng lahat ng bagay
وَأَنَّ السَّاعَةَ آتِيَةٌ لَا رَيْبَ فِيهَا وَأَنَّ اللَّهَ يَبْعَثُ مَنْ فِي الْقُبُورِ
At katotohanan, ang oras ay daratal, walang alinlangan tungkol dito, at katiyakan, na si Allah ay magpapabangon sa mga nasa libingan
وَمِنَ النَّاسِ مَنْ يُجَادِلُ فِي اللَّهِ بِغَيْرِ عِلْمٍ وَلَا هُدًى وَلَا كِتَابٍ مُنِيرٍ
At sa karamihan ng mga tao ay mayroong nakikipagtalo tungkol kay Allah, ng walang kaalaman o patnubay, o ng isang Aklat na nagbibigay liwanag (mula kay Allah)
ثَانِيَ عِطْفِهِ لِيُضِلَّ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۖ لَهُ فِي الدُّنْيَا خِزْيٌ ۖ وَنُذِيقُهُ يَوْمَ الْقِيَامَةِ عَذَابَ الْحَرِيقِ
Na naglilingon ng kanyang leeg sa kapalaluan (na malayo sa Landas ni Allah), at namumuno (sa iba) na (higit) na mapaligaw nang malayo sa Landas ni Allah. Sa kanya ay mayroong kahihiyan sa buhay sa mundong ito, at sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay Aming ipapalasap sa kanya ang sakit ng nagliliyab (na Apoy)
ذَٰلِكَ بِمَا قَدَّمَتْ يَدَاكَ وَأَنَّ اللَّهَ لَيْسَ بِظَلَّامٍ لِلْعَبِيدِ
Ito’y dahilan sa mga idinulot (ginawa) ng iyong mga kamay, at katotohanang si Allah ay makatarungan sa Kanyang mga alipin
Load More