Surah Al-Hajj Ayah #78 Translated in Filipino
وَجَاهِدُوا فِي اللَّهِ حَقَّ جِهَادِهِ ۚ هُوَ اجْتَبَاكُمْ وَمَا جَعَلَ عَلَيْكُمْ فِي الدِّينِ مِنْ حَرَجٍ ۚ مِلَّةَ أَبِيكُمْ إِبْرَاهِيمَ ۚ هُوَ سَمَّاكُمُ الْمُسْلِمِينَ مِنْ قَبْلُ وَفِي هَٰذَا لِيَكُونَ الرَّسُولُ شَهِيدًا عَلَيْكُمْ وَتَكُونُوا شُهَدَاءَ عَلَى النَّاسِ ۚ فَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَاعْتَصِمُوا بِاللَّهِ هُوَ مَوْلَاكُمْ ۖ فَنِعْمَ الْمَوْلَىٰ وَنِعْمَ النَّصِيرُ

At magsikap nang taos tungo sa Kapakanan ni Allah, kung paano kayo dapat magsikap (ng may katapatan at ng lahat ninyong lakas upang ang Kanyang Ngalan ay maging Tampok). Kayo ay hinirang Niya (upang iparating ang Kanyang Mensahe ng Islam at Kanyang Kaisahan), at hindi Niya iginawad sa inyong relihiyon ang anumang pagbabata, ito ang relihiyon ng inyong amang si Abraham (ang pagiging Isa ni Allah sa Islam). Siya (Allah) ang nagbigay sa inyo ng katawagang Muslim, na magkatulad maging noon at maging ngayon (sa Qur’an), upang ang Tagapagbalita (na si Muhammad) ay maging saksi sa inyo at kayo ay maging mga saksi sa sangkatauhan! Kaya’t magsipag-alay kayo ng Salah (takdang panalangin) nang ganap at mahinusay, magkaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at manangan nang mahigpit kay Allah (alalaong baga, ng may pagtitiwala sa Kanya na ang lahat ng bagay ay nasa Kanyang paghahawak). Siya ang inyong Maula (Patron, Panginoon, atbp.), at gaano (Siya) Kainam na Maula (Patron, Panginoon, atbp.), tunay na Siya ay Kapuri-puring Tagalingap
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba