Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hashr Translated in Filipino

سَبَّحَ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Ang lahat ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan ay nagbubunyi ng mga pagpupuri at pagluwalhati kay Allah. At Siya ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaalam
هُوَ الَّذِي أَخْرَجَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ مِنْ دِيَارِهِمْ لِأَوَّلِ الْحَشْرِ ۚ مَا ظَنَنْتُمْ أَنْ يَخْرُجُوا ۖ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ مَانِعَتُهُمْ حُصُونُهُمْ مِنَ اللَّهِ فَأَتَاهُمُ اللَّهُ مِنْ حَيْثُ لَمْ يَحْتَسِبُوا ۖ وَقَذَفَ فِي قُلُوبِهِمُ الرُّعْبَ ۚ يُخْرِبُونَ بُيُوتَهُمْ بِأَيْدِيهِمْ وَأَيْدِي الْمُؤْمِنِينَ فَاعْتَبِرُوا يَا أُولِي الْأَبْصَارِ
Siya (Allah) ang nagtaboy sa mga hindi sumasampalatayasaliponngAngkanng Kasulatan(alalaong baga, ang mga Hudyo ng Bani An-Nadir) mula sa kanilang mga tahanan sa unang pagtitipon (ng mga lakas). Kayo ay hindi nag-aakala na sila ay lalabas. At sila ay nag-akala na ang kanilang mga Tanggulan (Moog) ay makakapagtanggol sa kanila kay Allah! Datapuwa’t ang (Kaparusahan) ni Allah ay dumating sa kanila mula sa lahat ng sulok na hindi nila inaasahan, at Siya ay nagpukol ng lagim sa kanilang puso, upang kanilang wasakin ang kanilang mga tirahan sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at ng mga kamay ng mga sumasampalataya. Kaya’t inyong sundin ang Tagubilin, o kayong may mga mata (upang magmalas)
وَلَوْلَا أَنْ كَتَبَ اللَّهُ عَلَيْهِمُ الْجَلَاءَ لَعَذَّبَهُمْ فِي الدُّنْيَا ۖ وَلَهُمْ فِي الْآخِرَةِ عَذَابُ النَّارِ
At kung hindi lamang itinakda ni Allah na sila ay mapatapon, walang pagsalang sila ay parurusahan Niya sa mundong ito, at sa Kabilang Buhay ay katiyakang sasakanila ang Kaparusahan ng Apoy
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ شَاقُّوا اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۖ وَمَنْ يُشَاقِّ اللَّهَ فَإِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ
Ito’y sa dahilang sila ay sumalungat kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad). At sinuman ang sumalungat kay Allah, katotohanang si Allah ay Mahigpit sa Kaparusahan
مَا قَطَعْتُمْ مِنْ لِينَةٍ أَوْ تَرَكْتُمُوهَا قَائِمَةً عَلَىٰ أُصُولِهَا فَبِإِذْنِ اللَّهِ وَلِيُخْزِيَ الْفَاسِقِينَ
Kahit na kayo (O mga Muslim) ay pumutol ng malalambot na punong palmera (ng inyong kaaway), o inyong hinayaan ang mga ito na nakatayo sa kanilang mga ugat (at katawan), ito ay kagustuhan ni Allah, upang Kanyang mabigyan ng kahihiyan ang Fasiqun (mga mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
وَمَا أَفَاءَ اللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ مِنْهُمْ فَمَا أَوْجَفْتُمْ عَلَيْهِ مِنْ خَيْلٍ وَلَا رِكَابٍ وَلَٰكِنَّ اللَّهَ يُسَلِّطُ رُسُلَهُ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
At anuman ang ipagkaloob ni Allah na Labi ng Digmaan (Fai) sa KanyangTagapagbalita (Muhammad) mulasakanila, na roon ay wala kayong ginawang ekspedisyon (paglalakbay na may hangarin) maging yaon man ay sa pangangabayo o pangangamelyo. Datapuwa’t si Allah ang nagkakaloob ng kapangyarihan sa Kanyang mga Tagapagbalita ng higit sa sinumang Kanyang maibigan. At si Allah ay may ganap na kapangyarihan sa lahat ng bagay
مَا أَفَاءَ اللَّهُ عَلَىٰ رَسُولِهِ مِنْ أَهْلِ الْقُرَىٰ فَلِلَّهِ وَلِلرَّسُولِ وَلِذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَابْنِ السَّبِيلِ كَيْ لَا يَكُونَ دُولَةً بَيْنَ الْأَغْنِيَاءِ مِنْكُمْ ۚ وَمَا آتَاكُمُ الرَّسُولُ فَخُذُوهُ وَمَا نَهَاكُمْ عَنْهُ فَانْتَهُوا ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ
Kung anuman ang ipinagkaloob ni Allah na Labi ng Digmaan (Fai) sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), na mula sa mga tao ng mga bayan, - ito ay pag-aari ni Allah, ng Kanyang Tagapagbalita (Muhammad), ng mga kamag-anak (ng Tagapagbalitang si Muhammad), ng mga ulila, ng mga nangangailangan na nagpapalimos, atmganaglalakbayupangitoayhindimaging isang kayamanan na nagpapasalin-salin (at ginagamit) ng mga mayayaman sa inyong lipon. Kaya’t inyong kunin ang anumang ibigay sa inyo ng Tagapagbalita (Muhammad), at anumang ipagbawal niya sa inyo, ito ay inyong iwasan at pangambahan si Allah. Katotohanang si Allah ay mahigpit sa Kaparusahan
لِلْفُقَرَاءِ الْمُهَاجِرِينَ الَّذِينَ أُخْرِجُوا مِنْ دِيَارِهِمْ وَأَمْوَالِهِمْ يَبْتَغُونَ فَضْلًا مِنَ اللَّهِ وَرِضْوَانًا وَيَنْصُرُونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ ۚ أُولَٰئِكَ هُمُ الصَّادِقُونَ
(At mayroon ding bahagi sa Labi ng Digmaan) ang mga mahihirap na Muhajir (mga nagsilikas), na itinaboy sa kani-kanilang tirahan at mga ari-arian, habang sila ay naghahanap ng mga biyaya mula kay Allah at upang mabigyang kasiyahan Siya, at tumulong kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita (Muhammad). Katotohanang sila ang mga matatapat (sa kanilang sinasabi)
وَالَّذِينَ تَبَوَّءُوا الدَّارَ وَالْإِيمَانَ مِنْ قَبْلِهِمْ يُحِبُّونَ مَنْ هَاجَرَ إِلَيْهِمْ وَلَا يَجِدُونَ فِي صُدُورِهِمْ حَاجَةً مِمَّا أُوتُوا وَيُؤْثِرُونَ عَلَىٰ أَنْفُسِهِمْ وَلَوْ كَانَ بِهِمْ خَصَاصَةٌ ۚ وَمَنْ يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ
Datapuwa’t sila, na bago pa sa kanila, ay mayroong tirahan (sa Al-Madinah) at nagsiyakap sa Pananampalataya, at nagpapakita ng pagkagiliw sa sinumang pumaparoon sa kanila upang manuluyan, at sila ay walang paninibugho sa kanilang puso sa anumang ibinigay sa kanila (na mula sa Labi ng Digmaan ng Bani An-Nadir), bagkus ay kanilang inaasikaso sila ng higit pa sa kanilang sarili bagama’t sila ay nagdaranas din ng paghihikahos. At kung sinuman ang ligtas sa kanyang sariling kasakiman, sila nga ang tunay na magkakamit ng kasaganaan at tagumpay
وَالَّذِينَ جَاءُوا مِنْ بَعْدِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَا اغْفِرْ لَنَا وَلِإِخْوَانِنَا الَّذِينَ سَبَقُونَا بِالْإِيمَانِ وَلَا تَجْعَلْ فِي قُلُوبِنَا غِلًّا لِلَّذِينَ آمَنُوا رَبَّنَا إِنَّكَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ
At yaong mga dumating pagkaraan nila ay nagsasabi: “Aming Panginoon! Inyong patawarin kami at ang aming mga kapatid na nangauna sa amin sa Pananampalataya, at huwag Ninyong ilagay sa aming puso ang damdamin ng pagkamuhi at pamiminsala sa mga sumasampalataya. Aming Panginoon! Katotohanang Kayo ay Tigib ng Kabaitan, ang Pinakamaawain”
Load More