Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Hijr Ayahs #62 Translated in Filipino

قَالُوا إِنَّا أُرْسِلْنَا إِلَىٰ قَوْمٍ مُجْرِمِينَ
Ang (mga anghel) ay nagsabi: “Kami ay ipinadala sa isang pamayanan (mga tao) na Mujrimun (mga buhong, buktot, walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, atbp)
إِلَّا آلَ لُوطٍ إِنَّا لَمُنَجُّوهُمْ أَجْمَعِينَ
(Silang lahat) maliban sa pamilya ni Lut. Kaya’t sila (ang lahat ng pamilya ni Lut), ay tiyak Naming ililigtas (sa pagkawasak)
إِلَّا امْرَأَتَهُ قَدَّرْنَا ۙ إِنَّهَا لَمِنَ الْغَابِرِينَ
Maliban sa kanyang asawa, na Aming ipinag-utos (itinakda) na mapabilang doon sa mga mananatili sa likuran (alalaong baga, siya ay wawasakin).”
فَلَمَّا جَاءَ آلَ لُوطٍ الْمُرْسَلُونَ
Kaya’t nang ang mga Tagapagbalita (mga anghel) ay dumatal sa pamilya ni Lut
قَالَ إِنَّكُمْ قَوْمٌ مُنْكَرُونَ
Siya ay nagsabi: “Katotohanan! Kayo ay mga tao na hindi ko kilala.”

Choose other languages: