Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Insan Translated in Filipino

هَلْ أَتَىٰ عَلَى الْإِنْسَانِ حِينٌ مِنَ الدَّهْرِ لَمْ يَكُنْ شَيْئًا مَذْكُورًا
Hindi baga ang tao ay wala sa loob ng mahabang panahon at hindi man lamang nababanggit
إِنَّا خَلَقْنَا الْإِنْسَانَ مِنْ نُطْفَةٍ أَمْشَاجٍ نَبْتَلِيهِ فَجَعَلْنَاهُ سَمِيعًا بَصِيرًا
Katotohanang Aming nilikha ang tao mula sa Nutfah (magkahalong katas ng semilya ng lalaki at babae), upang siya ay Aming masubukan, kaya’t Aming ginawaran siya ng biyaya ng pandinig at pangmasid
إِنَّا هَدَيْنَاهُ السَّبِيلَ إِمَّا شَاكِرًا وَإِمَّا كَفُورًا
Katotohanang Aming itinuro sa kanya ang landas (na may kalayaan) na maging mabuti sa pasasalamat o kawalan ng pasasalamat
إِنَّا أَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ سَلَاسِلَ وَأَغْلَالًا وَسَعِيرًا
At sa mga nagtatakwil sa pananampalataya ay Aming inihanda ang mga bakal na kadena, ang mga gapos (sa leeg) at Naglalagablab na Apoy
إِنَّ الْأَبْرَارَ يَشْرَبُونَ مِنْ كَأْسٍ كَانَ مِزَاجُهَا كَافُورًا
Katotohanang sa mga Abrar (matutuwid na tao na nangangamba kay Allah at umiiwas sa kasalanan), ay magsisiinom sa kopita na ang laman nito (ay alak) na hinaluan ng tubig mula sa batis ng Paraiso na tinatawag na Kafur
عَيْنًا يَشْرَبُ بِهَا عِبَادُ اللَّهِ يُفَجِّرُونَهَا تَفْجِيرًا
Sa isang bukal na kung saan ang mga tagapaglingkod ni Allah ay magsisiinom, na dumadaloy nang masagana at hindi magmamaliw
يُوفُونَ بِالنَّذْرِ وَيَخَافُونَ يَوْمًا كَانَ شَرُّهُ مُسْتَطِيرًا
(Sapagkat) sila nga ang nagsiganap ng kanilang tungkulin at nangamba sa Araw na ang kasamaan ay magsisipangalat nang malayo at malawak
وَيُطْعِمُونَ الطَّعَامَ عَلَىٰ حُبِّهِ مِسْكِينًا وَيَتِيمًا وَأَسِيرًا
At sila ay nagkaloob ng pagkain dahilan sa pagmamahal kay Allah, sa nagdarahop, sa ulila at napipiit
إِنَّمَا نُطْعِمُكُمْ لِوَجْهِ اللَّهِ لَا نُرِيدُ مِنْكُمْ جَزَاءً وَلَا شُكُورًا
(Na nagsasabi): “Kami ay nagpakain sa inyo dahilan sa pagmamahal namin kay Allah. Kami ay hindi naghahangad 928 ng pabuya, gayundin ng pasasalamat mula sa inyo
إِنَّا نَخَافُ مِنْ رَبِّنَا يَوْمًا عَبُوسًا قَمْطَرِيرًا
Katotohanang kami ay nangangamba sa aming Panginoon sa Araw ng kahirapan at kaguluhan na magdudulot sa mga mukha ng kalagim-lagim na anyo (dahilan sa matinding pag-ayaw dito).”
Load More