Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Isra Translated in Filipino

سُبْحَانَ الَّذِي أَسْرَىٰ بِعَبْدِهِ لَيْلًا مِنَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ إِلَى الْمَسْجِدِ الْأَقْصَى الَّذِي بَارَكْنَا حَوْلَهُ لِنُرِيَهُ مِنْ آيَاتِنَا ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْبَصِيرُ
Maluwalhati (at Kataas-taasan) Siya (Allah) [ng higit sa lahat (ng kasamaan) na kanilang itinatambal sa Kanya], na nagdala sa Kanyang alipin (Muhammad) tungo sa isang gabing paglalakbay mula sa Masjid Al-Haram (sa Makkah) patungo sa Malayong Moske (ang Templo ni Solomon sa Herusalem), na ang pamayanan dito ay Aming pinagpala (binendisyunan) upang Aming maipamalas sa iyo (o Muhammad) ang Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.). Katotohanang siya ang Ganap na Nakakarinig, ang Ganap na Nakakamasid
وَآتَيْنَا مُوسَى الْكِتَابَ وَجَعَلْنَاهُ هُدًى لِبَنِي إِسْرَائِيلَ أَلَّا تَتَّخِذُوا مِنْ دُونِي وَكِيلًا
At Aming iginawad kay Moises ang Kasulatan at ginawa (Namin) ito bilang isang patnubay para sa Angkan ng Israel (na nagsasaysay): “Huwag kayong magturing sa iba pa liban sa Akin bilang (inyong) wakil (Tagapangalaga, Panginoon, o Tagapamahala ng inyong buhay, atbp)
ذُرِّيَّةَ مَنْ حَمَلْنَا مَعَ نُوحٍ ۚ إِنَّهُ كَانَ عَبْدًا شَكُورًا
o kayong mga anak nang mga dinala Namin (sa Arko) na kasama ni Noe! Katotohanang siya ay isang alipin na may pagtanaw ng utang na loob ng pasasalamat.”
وَقَضَيْنَا إِلَىٰ بَنِي إِسْرَائِيلَ فِي الْكِتَابِ لَتُفْسِدُنَّ فِي الْأَرْضِ مَرَّتَيْنِ وَلَتَعْلُنَّ عُلُوًّا كَبِيرًا
At Aming itinakda para sa Angkan ng Israel sa Kasulatan, na katiyakan, sila ay dalawang ulit na gagawa ng kabuktutan sa kalupaan at sila ay magiging mapang-api at lubhang palalo (at sila ay dalawang ulit na parurusahan)
فَإِذَا جَاءَ وَعْدُ أُولَاهُمَا بَعَثْنَا عَلَيْكُمْ عِبَادًا لَنَا أُولِي بَأْسٍ شَدِيدٍ فَجَاسُوا خِلَالَ الدِّيَارِ ۚ وَكَانَ وَعْدًا مَفْعُولًا
Kaya’t nang ang una sa dalawang babala ay dumatal, ay Aming isinugo laban sa inyo ang Aming mga alipin na inilaan sa matinding labanan. Sila ay pumasok sa kaloob- loobang bahagi ng inyong tahanan; at ito ay isang babala (na ganap) na natupad
ثُمَّ رَدَدْنَا لَكُمُ الْكَرَّةَ عَلَيْهِمْ وَأَمْدَدْنَاكُمْ بِأَمْوَالٍ وَبَنِينَ وَجَعَلْنَاكُمْ أَكْثَرَ نَفِيرًا
At sa muling pagkakataon ay Aming ginawaran kayo ng tagumpay laban sa kanila at Aming tinulungan kayo sa pamamagitan ng kayamanan at (inyong) mga anak at ginawa Namin na higit kayong maging marami sa lakas na pantao
إِنْ أَحْسَنْتُمْ أَحْسَنْتُمْ لِأَنْفُسِكُمْ ۖ وَإِنْ أَسَأْتُمْ فَلَهَا ۚ فَإِذَا جَاءَ وَعْدُ الْآخِرَةِ لِيَسُوءُوا وُجُوهَكُمْ وَلِيَدْخُلُوا الْمَسْجِدَ كَمَا دَخَلُوهُ أَوَّلَ مَرَّةٍ وَلِيُتَبِّرُوا مَا عَلَوْا تَتْبِيرًا
(At Aming winika): “Kung kayo ay gumawa ng mabuti, kayo ay gumawa ng kabutihan sa inyong sarili, at kung kayo ay gumawa ng masama (inyong ginawa ito) laban sa inyong sarili.” At nang ang pangalawang babala ay dumatal, (Aming pinahintulutan ang inyong mga kaaway) na magawang namimighati (mawalan ng kapangyarihan o lakas) ang inyong mukha, at makapasok sa Templo (Moske ng Herusalem) kung paano sila nagsipasok noon, at wasakin nang may ganap na kapinsalaan ang anumang mahulog sa kanilang mga kamay
عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يَرْحَمَكُمْ ۚ وَإِنْ عُدْتُمْ عُدْنَا ۘ وَجَعَلْنَا جَهَنَّمَ لِلْكَافِرِينَ حَصِيرًا
At Aming ipinahayag sa Torah [mga Batas]): “Maaaring ang inyong Panginoon ay magpakita sa inyo ng habag, datapuwa’t kung kayo ay magbabalik (sa mga kasalanan), Aming ibabalik (ang Aming Kaparusahan). At Aming ginawa ang Impiyerno bilang isang bilangguan sa mga walang pananampalataya
إِنَّ هَٰذَا الْقُرْآنَ يَهْدِي لِلَّتِي هِيَ أَقْوَمُ وَيُبَشِّرُ الْمُؤْمِنِينَ الَّذِينَ يَعْمَلُونَ الصَّالِحَاتِ أَنَّ لَهُمْ أَجْرًا كَبِيرًا
Katotohanan, ang Qur’an na ito ay namamatnubay kung anuman ang pinakamakatarungan at katampatan at nagbibigay ng masayang balita sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, si Muhammad, atbp.), na nagsasagawa ng mga kabutihan, na sila ay magtatamo ng malaking gantimpala (sa Paraiso)
وَأَنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ أَعْتَدْنَا لَهُمْ عَذَابًا أَلِيمًا
At sila na hindi nananampalataya sa Kabilang Buhay (alalaong baga, sila ay hindi nananalig na sila ay babayaran sa anumang kanilang ginawa sa mundong ito, mabuti man o masama, atbp.), para sa kanila ay Aming inihanda ang kasakit-sakit na kaparusahan (sa Impiyerno)
Load More