Surah Al-Kahf Translated in Filipino
الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي أَنْزَلَ عَلَىٰ عَبْدِهِ الْكِتَابَ وَلَمْ يَجْعَلْ لَهُ عِوَجًا ۜ
Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay kay Allah lamang, na Siyang nagpapanaog ng Aklat (ang Qur’an) sa Kanyang alipin (Muhammad), at (Siya) ay hindi naglagay dito ng anumang kasahulan (o kamalian)
قَيِّمًا لِيُنْذِرَ بَأْسًا شَدِيدًا مِنْ لَدُنْهُ وَيُبَشِّرَ الْمُؤْمِنِينَ الَّذِينَ يَعْمَلُونَ الصَّالِحَاتِ أَنَّ لَهُمْ أَجْرًا حَسَنًا
(Ginawa Niya ito na) Tuwid upang magbigay ng babala (sa mga hindi sumasampalataya) ng isang matinding kaparusahan mula sa Kanya, at upang magbigay ng Masayang Balita sa mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) na nagsisigawa ng kabutihan, na sa kanila ay may naghihintay na mainam na gantimpala (alalaong baga, ang Paraiso)
وَيُنْذِرَ الَّذِينَ قَالُوا اتَّخَذَ اللَّهُ وَلَدًا
At upang bigyang babala (ang mga Hudyo, Kristiyano, at pagano) na nagsasabi: “Si Allah ay nagkaanak ng lalaki (o mga anak at mga supling).”
مَا لَهُمْ بِهِ مِنْ عِلْمٍ وَلَا لِآبَائِهِمْ ۚ كَبُرَتْ كَلِمَةً تَخْرُجُ مِنْ أَفْوَاهِهِمْ ۚ إِنْ يَقُولُونَ إِلَّا كَذِبًا
Sila ay walang kaalaman sa gayong bagay, gayundin ang kanilang mga ninuno. Makapangyarihan ang salita na nanggagaling sa kanilang bibig (alalaong baga, na Siya ay nagkaanak [o tumangkilik] ng mga anak na lalaki at babae). Sila ay wala nang ibang sinasabi maliban sa kasinungalingan
فَلَعَلَّكَ بَاخِعٌ نَفْسَكَ عَلَىٰ آثَارِهِمْ إِنْ لَمْ يُؤْمِنُوا بِهَٰذَا الْحَدِيثِ أَسَفًا
Marahil, ikaw (o Muhammad), kung baga, wari bang nais mo na patayin ang iyong sarili dahilan sa dalamhati, sa ibabaw ng kanilang mga yapak (dahil sa kanilang pagtalikod sa iyo), sapagkat sila ay hindi naniniwala sa gayong pagpapahayag (ang Qur’an)
إِنَّا جَعَلْنَا مَا عَلَى الْأَرْضِ زِينَةً لَهَا لِنَبْلُوَهُمْ أَيُّهُمْ أَحْسَنُ عَمَلًا
Katotohanang Aming nilikha ang mga nasa kalupaan bilang isang palamuti rito, upang Aming masubukan sila (sangkatauhan) kung sino sa kanila ang pinakamainam sa pag-uugali at gawa (alalaong baga, sila na gumagawa ng mabubuti sa pinakamahusay na paraan, na nangangahulugan na ang paggawa rito ay tanging sa Kapakanan ni Allah ng ayon sa mga legal na paraan ng Propeta)
وَإِنَّا لَجَاعِلُونَ مَا عَلَيْهَا صَعِيدًا جُرُزًا
At katotohanan, Aming magagawa na ang lahat ng naririto (sa kalupaan) ay maging hubad at tigang na lupa (na walang anumang halamanan o punongkahoy, atbp)
أَمْ حَسِبْتَ أَنَّ أَصْحَابَ الْكَهْفِ وَالرَّقِيمِ كَانُوا مِنْ آيَاتِنَا عَجَبًا
Napag-aakala mo ba na ang mga tao ng Yungib at ang Nakalimbag (ang balita o mga pangalan ng mga tao ng Yungib) ay kamangha-mangha sa gitna ng Aming mga Tanda
إِذْ أَوَى الْفِتْيَةُ إِلَى الْكَهْفِ فَقَالُوا رَبَّنَا آتِنَا مِنْ لَدُنْكَ رَحْمَةً وَهَيِّئْ لَنَا مِنْ أَمْرِنَا رَشَدًا
(At gunitain) nang ang mga kabataang lalaki ay tumalilis tungo sa kaligtasan (mula sa mga tao na hindi sumasampalataya) sa Yungib, at sila ay nagsabi: “Aming Panginoon! Kami ay pagkalooban Ninyo ng Habag mula sa Inyong Sarili, at pagaanin Ninyo ang aming buhay (kalagayan) sa tamang landas!”
Load More