Surah Al-Lail Translated in Filipino
إِنَّ سَعْيَكُمْ لَشَتَّىٰ
Katotohanan, ang inyong pinagsusumikapan at mga gawa ay magkakaiba (sa layunin)
فَأَمَّا مَنْ أَعْطَىٰ وَاتَّقَىٰ
At sa kanya na nagbibigay (sa kawanggawa) at nananampalataya at may pangangamba kay Allah
وَصَدَّقَ بِالْحُسْنَىٰ
At (buong katapatan) na nananampalataya sa Al-Husna (ang Pinakamainam, alalaong baga, isang gantimpala mula kay Allah, na si Allah ang magbabayad sa anumang kanyang ginugol tungo sa Kapakanan ni Allah o maggagawad sa kanya ng Paraiso)
فَسَنُيَسِّرُهُ لِلْيُسْرَىٰ
Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa Kaluwalhatian
وَأَمَّا مَنْ بَخِلَ وَاسْتَغْنَىٰ
Datapuwa’t siya na makasarili at mapag-imbot at nagpapalagay na may sarili siyang kasapatan (alalaong baga, na nasa kanya ang lahat ng bagay)
وَكَذَّبَ بِالْحُسْنَىٰ
At hindi nananangan sa Al-Husna (ang Pinakamainam na gantimpalang manggagaling kay Allah, tingnan ang Talata bilang)
فَسَنُيَسِّرُهُ لِلْعُسْرَىٰ
Katotohanang gagawin Naming magaan sa kanya ang Landas patungo sa Kapariwaraan
Load More