Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Maeda Ayah #2 Translated in Filipino

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تُحِلُّوا شَعَائِرَ اللَّهِ وَلَا الشَّهْرَ الْحَرَامَ وَلَا الْهَدْيَ وَلَا الْقَلَائِدَ وَلَا آمِّينَ الْبَيْتَ الْحَرَامَ يَبْتَغُونَ فَضْلًا مِنْ رَبِّهِمْ وَرِضْوَانًا ۚ وَإِذَا حَلَلْتُمْ فَاصْطَادُوا ۚ وَلَا يَجْرِمَنَّكُمْ شَنَآنُ قَوْمٍ أَنْ صَدُّوكُمْ عَنِ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ أَنْ تَعْتَدُوا ۘ وَتَعَاوَنُوا عَلَى الْبِرِّ وَالتَّقْوَىٰ ۖ وَلَا تَعَاوَنُوا عَلَى الْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ ۚ وَاتَّقُوا اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ شَدِيدُ الْعِقَابِ
o kayong nagsisisampalataya! Huwag ninyong labagin ang kabanalan ng mga Ritwal ni Allah, gayundin ang Banal na Buwan, gayundin ang mga hayop na dinala bilang alay (sakripisyo), gayundin ang mga koronang bulaklak na siyang tanda ng gayong hayop (o mga tao), gayundin ang mga tao na pumaparoon sa Banal na Tahanan (sa Makkah), na naghahanap ng biyaya at mabuting kasiyahan ng kanilang Panginoon. Datapuwa’t kung inyo nang natapos (o nahubad) ang Ihram [damit na suot] (ng Hajj o Umrah), maaari na kayong mangaso, at huwag hayaan ang pagkamuhi ng ilang tao (noon) ay makapigil sa inyo na makapasok sa Al Masjid Al Haram (sa Makkah), at ito ay magbulid sa inyo na lumabag (at maging malupit sa inyong panig). Magtulungan kayo sa isa’t isa sa Al-Birr at At-Taqwa (kagandahang asal, katuwiran at kabanalan), datapuwa’t huwag kayong magtulungan sa isa’t isa sa kasalanan at pagsuway. At pangambahan si Allah, katotohanang si Allah ay mahigpit sa kaparusahan

Choose other languages: