Surah Al-Maeda Ayah #5 Translated in Filipino
الْيَوْمَ أُحِلَّ لَكُمُ الطَّيِّبَاتُ ۖ وَطَعَامُ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ حِلٌّ لَكُمْ وَطَعَامُكُمْ حِلٌّ لَهُمْ ۖ وَالْمُحْصَنَاتُ مِنَ الْمُؤْمِنَاتِ وَالْمُحْصَنَاتُ مِنَ الَّذِينَ أُوتُوا الْكِتَابَ مِنْ قَبْلِكُمْ إِذَا آتَيْتُمُوهُنَّ أُجُورَهُنَّ مُحْصِنِينَ غَيْرَ مُسَافِحِينَ وَلَا مُتَّخِذِي أَخْدَانٍ ۗ وَمَنْ يَكْفُرْ بِالْإِيمَانِ فَقَدْ حَبِطَ عَمَلُهُ وَهُوَ فِي الْآخِرَةِ مِنَ الْخَاسِرِينَ

Ginawang tumpak at matuwid sa inyo sa araw na ito ay ang mga At-Tayyibat (lahat ng Halal na pagkain). Ang pagkain (kinatay na bakahan at mga maaaring kainin na hayop, atbp.) ng mga tao ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) ay pinahihintulutan din sa inyo at ang sa inyo ay pinahihintulutan din sa kanila. (Ang pinahihintulutan sa inyo sa pag-aasawa) ay mga malilinis na babae mula sa mga nananampalataya at mga malilinis na babae ng mga ginawaran ng Kasulatan (mga Hudyo at Kristiyano) nang una sa inyong panahon, kung inyo nang naibigay sa kanila ang katampatang Mahr (dote o handog na salapi [o iba pang yaman] na ibinibigay ng lalaki sa kanyang asawa sa sandali ng pagpapakasal), na naghahangad ng kalinisan (alalaong baga, pagpiling sa kanila sa legal na kasal), at hindi gumagawa ng bawal na pakikipagtalik, at gayundin naman ay hindi nagtuturing sa kanila bilang mga kaibigang babae (may relasyon sa labas ng kasal). At sinuman ang hindi sumampalataya sa Kaisahan ni Allah at sa ibang mga Artikulo ng Pananampalataya (alalaong baga, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Aklat, sa Kanyang mga Tagapagbalita, sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sa Al-Qadar [Kasasapitan]), kung gayon, walang saysay ang kanyang ginagawa, at sa Kabilang Buhay, siya ay mapapabilang sa mga talunan
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba