Surah Al-Maeda Ayah #6 Translated in Filipino
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا قُمْتُمْ إِلَى الصَّلَاةِ فَاغْسِلُوا وُجُوهَكُمْ وَأَيْدِيَكُمْ إِلَى الْمَرَافِقِ وَامْسَحُوا بِرُءُوسِكُمْ وَأَرْجُلَكُمْ إِلَى الْكَعْبَيْنِ ۚ وَإِنْ كُنْتُمْ جُنُبًا فَاطَّهَّرُوا ۚ وَإِنْ كُنْتُمْ مَرْضَىٰ أَوْ عَلَىٰ سَفَرٍ أَوْ جَاءَ أَحَدٌ مِنْكُمْ مِنَ الْغَائِطِ أَوْ لَامَسْتُمُ النِّسَاءَ فَلَمْ تَجِدُوا مَاءً فَتَيَمَّمُوا صَعِيدًا طَيِّبًا فَامْسَحُوا بِوُجُوهِكُمْ وَأَيْدِيكُمْ مِنْهُ ۚ مَا يُرِيدُ اللَّهُ لِيَجْعَلَ عَلَيْكُمْ مِنْ حَرَجٍ وَلَٰكِنْ يُرِيدُ لِيُطَهِّرَكُمْ وَلِيُتِمَّ نِعْمَتَهُ عَلَيْكُمْ لَعَلَّكُمْ تَشْكُرُونَ

O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay nagnanais na mag-alay ng dasal, hugasan ang inyong mukha at inyong mga kamay hanggang sa siko, pahirin ang inyong ulo (sa paghagod sa ibabaw nito ng basang kamay), at hugasan ang inyong mga paa hanggang sa bukung-bukong. Kung kayo ay nasa kalagayan ng Janaba (alalaong baga, may lumabas na semilya sa maselang bahagi ng katawan), dalisayin ninyo ang inyong sarili (sa paliligo ng buong katawan). Datapuwa’t kung kayo ay maysakit o naglalakbay o kung sinuman sa inyo ang kagagaling lamang sa pananabi (pag- ihi o pagdumi), o kung kayo ay nakipagniig sa mga babae (alalaong baga, seksuwal na pakikipagtalik), at kayo ay hindi makatagpo ng tubig, kung gayon, kumuha ng malinis na lupa at ihaplos ito sa inyong mukha at mga kamay. Si Allah ay hindi naghahangad na ilagay (kayo) sa kahirapan, datapuwa’t nais Niya na kayo ay dalisayin, at upang mapaging ganap Niya ang Kanyang paglingap sa inyo upang kayo ay magkaroon ng damdamin ng pasasalamat
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba