Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Masadd Translated in Filipino

تَبَّتْ يَدَا أَبِي لَهَبٍ وَتَبَّ
Maglaho ang mga kamay ni Abu Lahab (ang tiyuhin ng Propeta), ang Ama ng Apoy, maglaho siya
مَا أَغْنَىٰ عَنْهُ مَالُهُ وَمَا كَسَبَ
Ang kanyang kayamanan at kanyang mga anak, (atbp.), ay walang magiging kapakinabangan sa kanya
سَيَصْلَىٰ نَارًا ذَاتَ لَهَبٍ
Hindi magtatagal, siya ay sisilaban sa Naglalagablab na Apoy
وَامْرَأَتُهُ حَمَّالَةَ الْحَطَبِ
Gayundin, ang kanyang asawa ay magdadala ng mga tuyong kahoy (mga tinik ng Sadan na kanyang iniuumang sa landas ng Propeta, o ang kanyang paninirang puri sa Propeta), bilang panggatong
فِي جِيدِهَا حَبْلٌ مِنْ مَسَدٍ
Sa kanyang leeg ay nakapulupot ang lubid ng Masad (mga himaymay ng palmera)