Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Mujadala Translated in Filipino

قَدْ سَمِعَ اللَّهُ قَوْلَ الَّتِي تُجَادِلُكَ فِي زَوْجِهَا وَتَشْتَكِي إِلَى اللَّهِ وَاللَّهُ يَسْمَعُ تَحَاوُرَكُمَا ۚ إِنَّ اللَّهَ سَمِيعٌ بَصِيرٌ
Katotohanang si Allah ay nakarinig (at nakatanggap) ng pangungusap ng isang babae (Khaula bint Tha’laba) na nagsusumamo sa iyo ( o Muhammad ) tungkol sa kanyang asawa (Aus bin As-Samit) at ipinaninikluhod niya ang kanyang daing (sa pananalangin ) kay Allah. At si Allah (ay lagi nang) dumirinig ng mga pagmamatuwid sa panig ninyong dalawa, sapagkat si Allah ang Nakakarinig at Nakakamasid (ng lahat ng bagay)
الَّذِينَ يُظَاهِرُونَ مِنْكُمْ مِنْ نِسَائِهِمْ مَا هُنَّ أُمَّهَاتِهِمْ ۖ إِنْ أُمَّهَاتُهُمْ إِلَّا اللَّائِي وَلَدْنَهُمْ ۚ وَإِنَّهُمْ لَيَقُولُونَ مُنْكَرًا مِنَ الْقَوْلِ وَزُورًا ۚ وَإِنَّ اللَّهَ لَعَفُوٌّ غَفُورٌ
Kung sinuman sa inyong kalalakihan ang maghain ng diborsiyo (paghihiwalay) sa kanilang asawa sa pamamaraan ng Zihar (isang salitain ng lalaki sa kanyang asawa: ‘Ikaw (babae) ay katulad ng likod ng aking ina’, alalaong baga, hindi marapat sa akin na sipingan ka). Sila ay hindi maaari na kanilang maging ina. wala silang magiging ina maliban sa (mga babae) na nagsilang sa kanila. At katotohanang sila ay gumagamit ng mga salita (na kapwa) walang galang at mali, datapuwa’t katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapaumanhin, ang Lagi nang Nagpapatawad
وَالَّذِينَ يُظَاهِرُونَ مِنْ نِسَائِهِمْ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا قَالُوا فَتَحْرِيرُ رَقَبَةٍ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَتَمَاسَّا ۚ ذَٰلِكُمْ تُوعَظُونَ بِهِ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
Datapuwa’t sila na nagpahayag ng katagang Zihar sa kanilang mga asawa at nagnanais na mawalan ng kapanagutan sa mga salita na kanilang inusal, (dito ay itinalaga sa sinuman bilang kabayaran), na marapat (siyang) magpalaya ng isang alipin bago sila magsiping sa isa’t isa. Ito ay isang pagpapaala-ala sa inyo (upang hindi na kayo magbalik sa hindi marapat na gawain). At si Allah ay Lubos na Nakakabatid ng lahat ninyong ginagawa
فَمَنْ لَمْ يَجِدْ فَصِيَامُ شَهْرَيْنِ مُتَتَابِعَيْنِ مِنْ قَبْلِ أَنْ يَتَمَاسَّا ۖ فَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَإِطْعَامُ سِتِّينَ مِسْكِينًا ۚ ذَٰلِكَ لِتُؤْمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ وَتِلْكَ حُدُودُ اللَّهِ ۗ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ أَلِيمٌ
At kung sinuman ang walang kakayahan (o walang salapi upang magpalaya ng isang alipin), ay marapat na mag-ayuno ng magkasunod na dalawang buwan bago sila magsiping sa isa’t isa, datapuwa’t kung sinuman ang hindi makasunod dito ay marapat siyang magpakain ng animnapung tao (na nanglilimos). Sa ganito ay maipapakita ninyo ang inyong ganap na Pananampalataya kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita. Ito ang mga hangganan (na itinakda) ni Allah. At sa mga nagtatakwil sa Kanya, sa kanila ay naghihintay ang kasakit-sakit na Kaparusahan
إِنَّ الَّذِينَ يُحَادُّونَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ كُبِتُوا كَمَا كُبِتَ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ وَقَدْ أَنْزَلْنَا آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ ۚ وَلِلْكَافِرِينَ عَذَابٌ مُهِينٌ
Katotohanang sila na sumusuway sa (mga pag-uutos) ni Allah at ng Kanyang Tagapagbalita (Muhammad) ay manlulupaypay na parang alikabok (mawawalan ng karangalan), na katulad ng mga tao ng panahong sinauna na winalang dangal (din), sapagkat ipinarating Namin ang Maliliwanag na Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.). At ang mga hindi sumasampalataya ay magkakamit ng kaaba-abang Kaparusahan
يَوْمَ يَبْعَثُهُمُ اللَّهُ جَمِيعًا فَيُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا ۚ أَحْصَاهُ اللَّهُ وَنَسُوهُ ۚ وَاللَّهُ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ شَهِيدٌ
Sa Araw na sila ay ibabangong muli ni Allah nang sama-sama (alalaong baga, sa Araw ng Muling Pagkabuhay) at ipangungusap sa kanila ang kanilang mga ginawa. Si Allah ang nag-iingat ng kanilang pagsusulit habang ito ay kanilang nakalimutan, sapagkat si Allah ang Saksi sa lahat ng bagay
أَلَمْ تَرَ أَنَّ اللَّهَ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ مَا يَكُونُ مِنْ نَجْوَىٰ ثَلَاثَةٍ إِلَّا هُوَ رَابِعُهُمْ وَلَا خَمْسَةٍ إِلَّا هُوَ سَادِسُهُمْ وَلَا أَدْنَىٰ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْثَرَ إِلَّا هُوَ مَعَهُمْ أَيْنَ مَا كَانُوا ۖ ثُمَّ يُنَبِّئُهُمْ بِمَا عَمِلُوا يَوْمَ الْقِيَامَةِ ۚ إِنَّ اللَّهَ بِكُلِّ شَيْءٍ عَلِيمٌ
Hindi ba ninyo napagmamalas na si Allah ang nakakabatid ng anupamang nasa kalangitan at kalupaan? walang anumang lihim na pag-uusap ang tatlo, na hindi Siya pang-apat (sa Kanyang Karunungan, habang Siya ay nasa ibabaw ng Kanyang Luklukan sa pampitong Langit), gayundin naman ng lima, na hindi Siya pang-anim (sa Kanyang Karunungan), gayundin kung kakaunti o marami, na hindi Siya isa sa kanila (sa Kanyang Karunungan) kahit saan pa mang lugar; at sa bandang huli sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay Kanyang ipangungusap sa kanila ang kanilang ginawa. Katotohanang si Allah ang Lubos na Maalam sa lahat ng bagay
أَلَمْ تَرَ إِلَى الَّذِينَ نُهُوا عَنِ النَّجْوَىٰ ثُمَّ يَعُودُونَ لِمَا نُهُوا عَنْهُ وَيَتَنَاجَوْنَ بِالْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَمَعْصِيَتِ الرَّسُولِ وَإِذَا جَاءُوكَ حَيَّوْكَ بِمَا لَمْ يُحَيِّكَ بِهِ اللَّهُ وَيَقُولُونَ فِي أَنْفُسِهِمْ لَوْلَا يُعَذِّبُنَا اللَّهُ بِمَا نَقُولُ ۚ حَسْبُهُمْ جَهَنَّمُ يَصْلَوْنَهَا ۖ فَبِئْسَ الْمَصِيرُ
Napagmamasdan mo ba siya na pinagbawalan (na gumawa) ng mga lihim na pagsasanggunian, at pagkaraan ay muling nagbalik doon sa mga bagay na ipinagbawal (na kanilang gawin)? At sila ay nagdaraos ng mga lihim na pagsasanggunian sa kanilang sarili patungkol sa kasamaan at pagmamalupit at hindi pagsunod sa Tagapagbalita (Muhammad). At kung sila ay lumalapit sa iyo, sila ay bumabati sa iyo sa paraan na hindi katulad nang pagbati ni Allah sa iyo (bagkus ay sa masamang paraan); at sila ay nagsasabi sa kanilang sarili: “Bakit hindi kami pinarurusahan ni Allah sa aming mga salita”? Sapat na sa kanila ang Impiyerno! Sila ay masusunog dito at tunay namang pagkasama-sama ang gayong hantungan
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِذَا تَنَاجَيْتُمْ فَلَا تَتَنَاجَوْا بِالْإِثْمِ وَالْعُدْوَانِ وَمَعْصِيَتِ الرَّسُولِ وَتَنَاجَوْا بِالْبِرِّ وَالتَّقْوَىٰ ۖ وَاتَّقُوا اللَّهَ الَّذِي إِلَيْهِ تُحْشَرُونَ
O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay magdaraos ng lihim na pagsasanggunian, huwag ninyong gawin ito tungo sa kasamaan at kalupitan at pagsuway sa Tagapagbalita (Muhammad), bagkus ay gawin ninyo tungo sa Al-Birr (kabutihan at katuwiran) at Taqwa (kataimtiman at pagtitimpi sa sarili); at pangambahan ninyo si Allah, kayong lahat ay magbabalik sa Kanya sa pagtitipon
إِنَّمَا النَّجْوَىٰ مِنَ الشَّيْطَانِ لِيَحْزُنَ الَّذِينَ آمَنُوا وَلَيْسَ بِضَارِّهِمْ شَيْئًا إِلَّا بِإِذْنِ اللَّهِ ۚ وَعَلَى اللَّهِ فَلْيَتَوَكَّلِ الْمُؤْمِنُونَ
Ang mga lihim na pagsasanggunian (pagsasabwatan) ay inuulot ni Satanas, upang siya ay makapagdulot ng hapis sa mga sumasampalataya, datapuwa’t hindi niya (Satanas) mapipinsala sila kahit na katiting malibang pahintulutan ni Allah; at kay Allah, hayaan ang mga sumasampalataya ay magtiwala
Load More