Surah Al-Mutaffifin Translated in Filipino
وَيْلٌ لِلْمُطَفِّفِينَ
Kasawian sa Al-Mutaffifin (sila na gumagawa ng pandaraya, alalaong baga, ang mga nagbibigay ng kulang sa sukat at timbang at nagbabawas sa mga karapatan ng iba)
الَّذِينَ إِذَا اكْتَالُوا عَلَى النَّاسِ يَسْتَوْفُونَ
Sila na kung tatanggap sa mga tao ng may sukat at timbang ay naghahanap ng ganap na sukat at timbang
وَإِذَا كَالُوهُمْ أَوْ وَزَنُوهُمْ يُخْسِرُونَ
Datapuwa’t kung sila ang magbibigay sa mga tao ng may sukat at timbang ay nagbibigay ng kulang
أَلَا يَظُنُّ أُولَٰئِكَ أَنَّهُمْ مَبْعُوثُونَ
Hindi baga nila napag-aakala na sila ay ibabangong muli upang tawagin sa Pagsusulit
يَوْمَ يَقُومُ النَّاسُ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ
Sa Araw na yaon, ang buong sangkatauhan ay titindig sa harapan ng 946 Panginoon ng lahat ng mga nilalang
كَلَّا إِنَّ كِتَابَ الْفُجَّارِ لَفِي سِجِّينٍ
Katotohanan! Ang Talaan (na kinapapalooban ng mga gawa) ng Fujjar (mga tampalasan, makasalanan, walang pananampalataya, mapaggawa ng kamalian) ay nakatago sa Sijjin
وَمَا أَدْرَاكَ مَا سِجِّينٌ
Tunay nga, ano nga ba ang makakapagpahiwatig sa iyo kung ano ang kahulugan ng Sijjin
وَيْلٌ يَوْمَئِذٍ لِلْمُكَذِّبِينَ
Kasawian sa Araw na yaon sa mga nagtatatwa (kay Allah, sa Kanyang mga Anghel, sa Kanyang mga Tagagapagbalita, sa Araw ng Muling Pagkabuhay at sa Al-Qadar [maka- Diyos na Pagtatakda)
Load More