Surah Al-Muzzammil Translated in Filipino
يَا أَيُّهَا الْمُزَّمِّلُ
o ikaw na nababalutan ng kasuotan (alalaong baga, si Propeta Muhammad)
قُمِ اللَّيْلَ إِلَّا قَلِيلًا
Tumindig ka (sa pananalangin) sa buong magdamag, maliban sa kaunting oras lamang
أَوْ زِدْ عَلَيْهِ وَرَتِّلِ الْقُرْآنَ تَرْتِيلًا
o humigit pa rito; at iyong dalitin ang Qur’an (nang malakas) sa marahan at matimyas na pagbigkas
إِنَّا سَنُلْقِي عَلَيْكَ قَوْلًا ثَقِيلًا
Katotohanan na Aming ipapanaog sa iyo ang isang mayamang Pahayag (at Tagubilin sa mga batas, katungkulan, atbp)
إِنَّ نَاشِئَةَ اللَّيْلِ هِيَ أَشَدُّ وَطْئًا وَأَقْوَمُ قِيلًا
Katotohanan, ang iyong pagbangon sa gabi (Tahajjud na panalangin) ay siyang oras na napakahirap (datapuwa’t) mabisa at mainam sa pamamatnubay ng (iyong kaluluwa), at pinakaangkop sa (pang-unawa) sa Salita (ni Allah)
إِنَّ لَكَ فِي النَّهَارِ سَبْحًا طَوِيلًا
Katotohanang nasa iyo sa maghapon (sa liwanag ng araw) ang paghanap ng iyong ikabubuhay at pagganap sa mga pangkaraniwang gawain
وَاذْكُرِ اسْمَ رَبِّكَ وَتَبَتَّلْ إِلَيْهِ تَبْتِيلًا
At lagi mong alalahanin ang Pangalan ng iyong Panginoon at ibuhos mo ang iyong pansin sa Kanya nang ganap at taimtim
رَبُّ الْمَشْرِقِ وَالْمَغْرِبِ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ فَاتَّخِذْهُ وَكِيلًا
Tanging Siya 918 (lamang) ang Panginoon ng Silangan at Kanluran. La ilaha illa Allah (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag- ukulan ng pagsamba maliban kay Allah). Kaya’t panaligan mo lamang Siya bilang iyong wakil (tagapamahala ng iyong kapakanan)
وَاصْبِرْ عَلَىٰ مَا يَقُولُونَ وَاهْجُرْهُمْ هَجْرًا جَمِيلًا
At maging matiyaga (o Muhammad) sa kanila (na hindi sumasampalataya) sa kanilang sinasabi, at lumayokasakanilasamabutingparaan
Load More