Surah Al-Muzzammil Ayah #20 Translated in Filipino
إِنَّ رَبَّكَ يَعْلَمُ أَنَّكَ تَقُومُ أَدْنَىٰ مِنْ ثُلُثَيِ اللَّيْلِ وَنِصْفَهُ وَثُلُثَهُ وَطَائِفَةٌ مِنَ الَّذِينَ مَعَكَ ۚ وَاللَّهُ يُقَدِّرُ اللَّيْلَ وَالنَّهَارَ ۚ عَلِمَ أَنْ لَنْ تُحْصُوهُ فَتَابَ عَلَيْكُمْ ۖ فَاقْرَءُوا مَا تَيَسَّرَ مِنَ الْقُرْآنِ ۚ عَلِمَ أَنْ سَيَكُونُ مِنْكُمْ مَرْضَىٰ ۙ وَآخَرُونَ يَضْرِبُونَ فِي الْأَرْضِ يَبْتَغُونَ مِنْ فَضْلِ اللَّهِ ۙ وَآخَرُونَ يُقَاتِلُونَ فِي سَبِيلِ اللَّهِ ۖ فَاقْرَءُوا مَا تَيَسَّرَ مِنْهُ ۚ وَأَقِيمُوا الصَّلَاةَ وَآتُوا الزَّكَاةَ وَأَقْرِضُوا اللَّهَ قَرْضًا حَسَنًا ۚ وَمَا تُقَدِّمُوا لِأَنْفُسِكُمْ مِنْ خَيْرٍ تَجِدُوهُ عِنْدَ اللَّهِ هُوَ خَيْرًا وَأَعْظَمَ أَجْرًا ۚ وَاسْتَغْفِرُوا اللَّهَ ۖ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ

Katotohanan! Ang iyong Panginoon ay nakakabatid na ikaw ay nagpupuyat sa pananalangin (sa kahabaan ng gabi), ng maigsi sa dalawang katlo (2/3) ng gabi, o kalahati (1/2) ng gabi, o isang katlo (1/3) ng gabi, gayundin naman ang isang pangkat na iyong kasama-sama. At si Allah ang nagtalaga (sa inyo) ng Gabi at Araw sa ganap na sukat. Talastas Niya na ikaw ay hindi makakapanalangin sa buong magdamag, kaya’t Siya ay naggawad sa iyo ng Kanyang Habag. Kaya’t iyong ipagsaysay ang Qur’an sa iyong makakaya, sa paraan na magaan sa iyo. Talastas Niya na mayroong ilan sa inyo ang may sakit, at ang iba naman ay naglalakbay sa kalupaan sa paghahanap ng (saganang) Biyaya ni Allah, at ang iba ay nakikipaglaban tungo sa Kapakanan ni Allah. Kaya’t iyong ipagsaysay ang Qur’an sa iyong makakaya, sa paraang magaan sa iyo, at ikaw ay mag-alay ng pang-araw-araw na panalangin (Iqamat-as-Salah) nang mahinusay, at magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), at magpautang kay Allah ng isang Magandang Pautang (alalaong baga, gumugol sa Kapakanan ni Allah). At anumang mabuting bagay ang inyong ipinadala patungkol sa inyong kaluluwa (mga gawa ng pagsamba tulad ng pagdarasal, kawanggawa, pag-aayuno, Hajj, Umra, atbp.) ay katiyakang matatagpuan ninyo ito sa harapan ni Allah. Katotohanan! Ito ay mainam at sagana sa kabayaran ng gantimpala. At inyong paghanapin ang Biyaya (at Pagpapatawad) ni Allah. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Lubos na Mahabagin. 920 siyA nA nABABAlutAn
Choose other languages:

Albanian

Amharic

Azerbaijani

Bengali

Bosnian

Bulgarian

Burmese

Chinese

Danish

Dutch

English

Farsi

Filipino

French

Fulah

German

Gujarati

Hausa

Hindi

Indonesian

Italian

Japanese

Jawa

Kazakh

Khmer

Korean

Kurdish

Kyrgyz

Malay

Malayalam

Norwegian

Pashto

Persian

Polish

Portuguese

Punjabi

Russian

Sindhi

Sinhalese

Somali

Spanish

Swahili

Swedish

Tajik

Tamil

Tatar

Telugu

Thai

Turkish

Urdu

Uyghur

Uzbek

Vietnamese

Yoruba