Quran Apps in many lanuages:

Surah Al-Qiyama Translated in Filipino

لَا أُقْسِمُ بِيَوْمِ الْقِيَامَةِ
Ako ay sumasaksi sa pamamagitan ng Araw ng Muling Pagkabuhay
وَلَا أُقْسِمُ بِالنَّفْسِ اللَّوَّامَةِ
At Ako ay sumasaksi sa pamamagitan ng tao na nagsisi sa kanyang sarili (isang sumasampalataya)
أَيَحْسَبُ الْإِنْسَانُ أَلَّنْ نَجْمَعَ عِظَامَهُ
Napag-aakala ba ng tao (na walang pananampalataya) na hindi Namin muling maisasaayos ang kanyang mga buto
بَلَىٰ قَادِرِينَ عَلَىٰ أَنْ نُسَوِّيَ بَنَانَهُ
Katotohanan! Muli Naming maibabalik nang ganap at maayos (ang kanyang mga buto) maging ang dulo ng kanyang daliri
بَلْ يُرِيدُ الْإِنْسَانُ لِيَفْجُرَ أَمَامَهُ
Hindi! Ang tao ay nagtatatwa ng Muling Pagkabuhay at Pagsusulit. Kaya’t siya ay nagnanais na magpatuloy sa kanyang kasamaan
يَسْأَلُ أَيَّانَ يَوْمُ الْقِيَامَةِ
Siya ay nag-uusisa: “Kailan baga matutupad ang Araw ng Muling Pagkabuhay?”
فَإِذَا بَرِقَ الْبَصَرُ
At sa katagalan, kung ang paningin ay masilaw
وَخَسَفَ الْقَمَرُ
At ang buwan ay lagumin ng kadiliman
وَجُمِعَ الشَّمْسُ وَالْقَمَرُ
At ang araw at buwan ay pagsamahin (sa pamamagitan ng paglapit sa isa’t isa o ang matiklop at mawalan ng kanilang liwanag, atbp)
يَقُولُ الْإِنْسَانُ يَوْمَئِذٍ أَيْنَ الْمَفَرُّ
Sa Araw na ito, ang tao ay magsasabi: “Saan ako tatalilis (na may kaligtasan)
Load More