Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nahl Translated in Filipino

أَتَىٰ أَمْرُ اللَّهِ فَلَا تَسْتَعْجِلُوهُ ۚ سُبْحَانَهُ وَتَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Ang dakilang Pangyayari (ang Araw o oras, o ang kaparusahanngmgahindinananampalatayaatmapagsamba sa mga diyus-diyosan, o mga Batas Islamiko at mga pag- uutos) na itinakda ni Allah ay magaganap, kaya’t huwag ninyong hangarin na madaliin ito. Tunay na Kapuri-puri at higit Siyang dakila sa lahat ng mga karibal na itinatambal ninyo sa Kanya
يُنَزِّلُ الْمَلَائِكَةَ بِالرُّوحِ مِنْ أَمْرِهِ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ أَنْ أَنْذِرُوا أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا أَنَا فَاتَّقُونِ
Isinusugo Niya ang mga anghel na may taglay na inspirasyon sa Kanyang pag-uutos sa kaninuman sa Kanyang mga alipin na Kanyang maibigan (na nagsasabi): “Bigyan ng babala ang sangkatauhan ng La ilaha illa Ana (wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Akin), kaya’t pangambahan Ako (sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga kasalanan at masasamang gawa)
خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۚ تَعَالَىٰ عَمَّا يُشْرِكُونَ
Nilikha Niya sa katotohanan ang lahat ng mga kalangitan at kalupaan. Siya ay Higit na Mataas at Dakila sa lahat ng iniaakibat na mga katambal sa Kanya
خَلَقَ الْإِنْسَانَ مِنْ نُطْفَةٍ فَإِذَا هُوَ خَصِيمٌ مُبِينٌ
Nilikha Niya ang tao mula sa Nutfah (magkahalong semilya ng lalaki at babae), nguni’t pagmasdan, ang tao (ring ito) ay naging isang lantad na kaaway
وَالْأَنْعَامَ خَلَقَهَا ۗ لَكُمْ فِيهَا دِفْءٌ وَمَنَافِعُ وَمِنْهَا تَأْكُلُونَ
At ang mga bakahan (hayupan), Kanyang nilikha ito para sa inyo; sa kanila ay may init (ang kanilang balat na ginagawang damit) at maraming kapakinabangan, at sila ay inyong pagkain
وَلَكُمْ فِيهَا جَمَالٌ حِينَ تُرِيحُونَ وَحِينَ تَسْرَحُونَ
At kayo ay mayroong pagpapahalaga sa ganda at pagmamalaki sa kanila, kung sila ay inyo nang ihapon sa gabi at kung sila ay inyong ihayo sa pastulan sa umaga
وَتَحْمِلُ أَثْقَالَكُمْ إِلَىٰ بَلَدٍ لَمْ تَكُونُوا بَالِغِيهِ إِلَّا بِشِقِّ الْأَنْفُسِ ۚ إِنَّ رَبَّكُمْ لَرَءُوفٌ رَحِيمٌ
At dinadala nila ang inyong mga dalahin sa lupaing hindi ninyo mararating ng walang malaking paghihirap sa inyong sarili. Katotohanan, ang inyong Panginoon ay Puspos ng Kabaitan, ang Pinakamaawain
وَالْخَيْلَ وَالْبِغَالَ وَالْحَمِيرَ لِتَرْكَبُوهَا وَزِينَةً ۚ وَيَخْلُقُ مَا لَا تَعْلَمُونَ
At (Kanyang nilikha) ang mga kabayo, mga mola at asno, upang sila ay inyong masakyan at bilang isang palamuti. At nilikha Niya (ang iba) pang mga bagay na rito ay wala kayong kaalaman
وَعَلَى اللَّهِ قَصْدُ السَّبِيلِ وَمِنْهَا جَائِرٌ ۚ وَلَوْ شَاءَ لَهَدَاكُمْ أَجْمَعِينَ
At isang pananagutan kay Allah na ipaliwanag sa inyo ang Tuwid na Landas (alalaong baga, ang Kaisahan ni Allah at Islam [sa sangkatauhan, upang maipamalas sa kanila ang mga pinahihintulutan at hindi pinahihintulutang bagay, ang masama at mabuti, atbp., kaya’t kung sinuman ang tumanggap sa patnubay, ito ay sa kapakinabangan ng kanyang sarili, at kung sinuman ang tumahak nang paligaw, ito ay tungo sa kanyang pagkapariwara]), datapuwa’t may mga landas na lumiliko (tulad ng paganismo, Hudaismo, Kristiyanismo, atbp.). At kung Kanya lamang ninais, magagawa Niyang mapatnubayan kayong lahat (na sangkatauhan)
هُوَ الَّذِي أَنْزَلَ مِنَ السَّمَاءِ مَاءً ۖ لَكُمْ مِنْهُ شَرَابٌ وَمِنْهُ شَجَرٌ فِيهِ تُسِيمُونَ
Siya ang nagpamalisbis ng tubig (ulan) mula sa alapaap; mula rito kayo ay umiinom at mula rin dito (ay tumutubo) ang mga pananim at dito ay inyong isinusuga ang inyong bakahan (hayupan) upang manginain
Load More