Surah An-Naml Translated in Filipino
طس ۚ تِلْكَ آيَاتُ الْقُرْآنِ وَكِتَابٍ مُبِينٍ
Ta, Sin (mga titik Ta, Sa). Ito ang mga Talata ng Qur’an, (at ito) ay isang Aklat (na nagpapaliwanag sa mga bagay) na maging malinaw
هُدًى وَبُشْرَىٰ لِلْمُؤْمِنِينَ
Isang Patnubay (sa Tamang Landas); at masayang balita sa mga sumasampalataya (na nananalig sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)
الَّذِينَ يُقِيمُونَ الصَّلَاةَ وَيُؤْتُونَ الزَّكَاةَ وَهُمْ بِالْآخِرَةِ هُمْ يُوقِنُونَ
Sila na nag-aalay ng mga panalangin nang mahinusay (Iqamat-as-Salah), at nagkakaloob ng Zakah (katungkulang kawanggawa) at sila ay sumasampalataya ng may katiyakan sa Kabilang Buhay (Muling Pagkabuhay, Kabayaran sa kanilang mabubuti at masasamang gawa, Paraiso at Impiyerno, atbp)
إِنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ زَيَّنَّا لَهُمْ أَعْمَالَهُمْ فَهُمْ يَعْمَهُونَ
Katotohanan, sila na hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay, Aming pinapangyari na ang kanilang mga gawa ay maging kasiya-siya sa kanila upang sila ay magsilibot na nabubulagan
أُولَٰئِكَ الَّذِينَ لَهُمْ سُوءُ الْعَذَابِ وَهُمْ فِي الْآخِرَةِ هُمُ الْأَخْسَرُونَ
Sila ang magkakamit ng masamang kaparusahan (sa mundong ito), at sa Kabilang Buhay, sila ang matindi ang pagkatalo (higit na mawawalan)
وَإِنَّكَ لَتُلَقَّى الْقُرْآنَ مِنْ لَدُنْ حَكِيمٍ عَلِيمٍ
At katotohanan, ikaw (o Muhammad) ay tumatanggap ng Qur’an mula sa Tanging Isa, ang Ganap na Maalam, ang Puspos ng Karunungan
إِذْ قَالَ مُوسَىٰ لِأَهْلِهِ إِنِّي آنَسْتُ نَارًا سَآتِيكُمْ مِنْهَا بِخَبَرٍ أَوْ آتِيكُمْ بِشِهَابٍ قَبَسٍ لَعَلَّكُمْ تَصْطَلُونَ
(At alalahanin) nang sabihin ni Moises sa kanyang kasambahay: “Katotohanang ako ay nakapanagimpan ng apoy sa malayong lugar, ako ay mag-uuwi para sa inyo ng ilang kaalaman mula roon, o ako ay magdadala sa inyo ng isang nag-aapoy na bagay upang inyong mabigyan init ang inyong sarili.”
فَلَمَّا جَاءَهَا نُودِيَ أَنْ بُورِكَ مَنْ فِي النَّارِ وَمَنْ حَوْلَهَا وَسُبْحَانَ اللَّهِ رَبِّ الْعَالَمِينَ
Datapuwa’t nang siya ay pumaroon doon, siya ay tinawag: “Kinakasihan ang sinumang nasa Apoy, at kung sinuman ang nakapalibot doon! At Puspos ng Kaluwalhatian si Allah, ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang.”
يَا مُوسَىٰ إِنَّهُ أَنَا اللَّهُ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
O Moises! Katotohanan! Ako si Allah, ang Pinakamakapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan
وَأَلْقِ عَصَاكَ ۚ فَلَمَّا رَآهَا تَهْتَزُّ كَأَنَّهَا جَانٌّ وَلَّىٰ مُدْبِرًا وَلَمْ يُعَقِّبْ ۚ يَا مُوسَىٰ لَا تَخَفْ إِنِّي لَا يَخَافُ لَدَيَّ الْمُرْسَلُونَ
At iyong ihagis ang iyong tungkod! Datapuwa’t nang makita niya ito na gumagalaw na waring isang ahas, siya ay tumalikod na natatakot at siya ay hindi lumingon. (At dito ay ipinagbadya): “O Moises! Huwag kang matakot, katotohanangangmgaTagapagbalita ayhindinangangamba sa Aking Harapan
Load More