Surah An-Nasr Translated in Filipino
إِذَا جَاءَ نَصْرُ اللَّهِ وَالْفَتْحُ
At nang dumatal (sa iyo, o Muhammad) ang kalinga ni Allah at tagumpay (laban sa iyong kaaway)
وَرَأَيْتَ النَّاسَ يَدْخُلُونَ فِي دِينِ اللَّهِ أَفْوَاجًا
At iyong napagmamasdan ang mga Tao na nagsisipasok sa Pananampalataya ni Allah (Islam) nang maramihan
فَسَبِّحْ بِحَمْدِ رَبِّكَ وَاسْتَغْفِرْهُ ۚ إِنَّهُ كَانَ تَوَّابًا
Kaya’t ipagbunyi mo ang mga Papuri sa iyong Panginoon at manalangin na igawad Niya ang Kanyang Kapatawaran. Siya ang tumatanggap ng pagsisisi at nagpapatawad