Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nisa Ayahs #40 Translated in Filipino

وَاعْبُدُوا اللَّهَ وَلَا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا ۖ وَبِالْوَالِدَيْنِ إِحْسَانًا وَبِذِي الْقُرْبَىٰ وَالْيَتَامَىٰ وَالْمَسَاكِينِ وَالْجَارِ ذِي الْقُرْبَىٰ وَالْجَارِ الْجُنُبِ وَالصَّاحِبِ بِالْجَنْبِ وَابْنِ السَّبِيلِ وَمَا مَلَكَتْ أَيْمَانُكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ لَا يُحِبُّ مَنْ كَانَ مُخْتَالًا فَخُورًا
Paglingkuran ninyo si Allah at huwag kayong magtambal ng anuman sa pagsamba sa Kanya, at magsigawa kayo ng kabutihan sa mga magulang, mga kamag-anak, mga ulila, sa mahirap na humihingi, sa kapitbahay na malapit sa pagkakamag-anak, sa kapitbahay na hindi malapit sa inyo, angmgakasamahannamalapitsainyo, angmganapapaligaw (na inyong nakadaop) at sa mga angkin ng inyong kanang kamay. Katotohanang si Allah ay hindi nagmamahal sa mga mayayabang at hambog
الَّذِينَ يَبْخَلُونَ وَيَأْمُرُونَ النَّاسَ بِالْبُخْلِ وَيَكْتُمُونَ مَا آتَاهُمُ اللَّهُ مِنْ فَضْلِهِ ۗ وَأَعْتَدْنَا لِلْكَافِرِينَ عَذَابًا مُهِينًا
Sila na mga kuripot at nag-uudyok din sa iba na maging kuripot, at nagtatago ng mga biyaya na sa kanila ay ipinagkaloob ni Allah, at Aming inihanda sa mga walang pananampalataya ang kaaba-abang kaparusahan
وَالَّذِينَ يُنْفِقُونَ أَمْوَالَهُمْ رِئَاءَ النَّاسِ وَلَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَلَا بِالْيَوْمِ الْآخِرِ ۗ وَمَنْ يَكُنِ الشَّيْطَانُ لَهُ قَرِينًا فَسَاءَ قَرِينًا
At (gayundin) ang mga gumugugol ng kanilang kayamanan upang mamalas lamang ng mga tao at hindi sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw (sila ang mga kaibigan ni Satanas), at sinumang pumili kay Satanas bilang kapalagayan; kung gayon, (pagmasdan) kung gaano siya kakila-kilabot na kasama
وَمَاذَا عَلَيْهِمْ لَوْ آمَنُوا بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَأَنْفَقُوا مِمَّا رَزَقَهُمُ اللَّهُ ۚ وَكَانَ اللَّهُ بِهِمْ عَلِيمًا
At ano ba ang mawawala (o kasahulan) sa kanila kung sila ay manampalataya kay Allah at sa Huling Araw, at sila ay gumugol mula sa kayamanan na ipinagkaloob sa kanila ni Allah? At si Allah ay Lalagi nang Ganap na Nakakaalam sa kanila
إِنَّ اللَّهَ لَا يَظْلِمُ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ ۖ وَإِنْ تَكُ حَسَنَةً يُضَاعِفْهَا وَيُؤْتِ مِنْ لَدُنْهُ أَجْرًا عَظِيمًا
Katotohanang si Allah ay hindi kailanman nawalan ng katarungan kahit na katiting lamang; kung anumang mabuti (ang nagawa), ito ay Kanyang pinag-iibayo ng dalawang ulit, at Siya ay nagkakaloob ng malaking gantimpala

Choose other languages: