Quran Apps in many lanuages:

Surah An-Nur Translated in Filipino

سُورَةٌ أَنْزَلْنَاهَا وَفَرَضْنَاهَا وَأَنْزَلْنَا فِيهَا آيَاتٍ بَيِّنَاتٍ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ
(Ito) ang Surah (ng Qur’an) na Aming ipinanaog at Aming ipinagtagubilin (itinakda ang kanyang mga legal na Batas) at dito, Kami ay nagpahayag ng maliliwanag na Ayat (mga katibayan, tanda, aral, talata, atbp.), upang kayo ay makaala-ala
الزَّانِيَةُ وَالزَّانِي فَاجْلِدُوا كُلَّ وَاحِدٍ مِنْهُمَا مِائَةَ جَلْدَةٍ ۖ وَلَا تَأْخُذْكُمْ بِهِمَا رَأْفَةٌ فِي دِينِ اللَّهِ إِنْ كُنْتُمْ تُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ وَلْيَشْهَدْ عَذَابَهُمَا طَائِفَةٌ مِنَ الْمُؤْمِنِينَ
Ang babae at lalaki na nagkasala ng bawal na pakikipagtalik, hagupitin ang bawat isa sa kanila ng isang daang hampas. Huwag hayaang ang pagkaawa ang pumigil sa inyo sa ganitong kaso, sa kaparusahan na inihatol ni Allah, kung kayo ay sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw. At hayaang ang isang pangkat ng mga sumasampalataya ay makasaksi sa kanilang parusa. (Ang parusang ito ay para sa isang tao na walang asawa na nagkasala ng gayong krimen, datapuwa’t kung ang nagkasala ay mayroong asawa, ang kaparusahan ay batuhin sila hanggang sa mamatay, ayon sa Batas ni Allah)
الزَّانِي لَا يَنْكِحُ إِلَّا زَانِيَةً أَوْ مُشْرِكَةً وَالزَّانِيَةُ لَا يَنْكِحُهَا إِلَّا زَانٍ أَوْ مُشْرِكٌ ۚ وَحُرِّمَ ذَٰلِكَ عَلَى الْمُؤْمِنِينَ
Ang mangangalunyang lalaki ay hindi nag-aasawa maliban sa isang mangangalunyang babae o Mushrikah at ang mangangalunyang babae ay hindi nag- aasawa ng iba maliban sa mangangalunyang lalaki o Mushrik (ito ay nangangahulugan na kung ang lalaki ay pumayag na mag-asawa o magkaroon ng relasyong seksuwal sa isang Mushrikah [babaeng pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan] o isang puta, kung gayon, katotohanang siya ay mangangalunyang lalaki o Mushrik [lalaking pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan]). At ang babae na pumayag na mag-asawa (o magkaroon ng relasyong seksuwal) sa isang Mushrik [pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan] o isang mangangalunya, kung gayon, siya ay maaaring isang puta o Mushrikah [babaeng pagano, mapagsamba sa maraming diyus-diyosan]. Ang gayong bagay ay ipinagbabawal sa mga sumasampalataya (sa Islam at sa Kaisahan ni Allah)
وَالَّذِينَ يَرْمُونَ الْمُحْصَنَاتِ ثُمَّ لَمْ يَأْتُوا بِأَرْبَعَةِ شُهَدَاءَ فَاجْلِدُوهُمْ ثَمَانِينَ جَلْدَةً وَلَا تَقْبَلُوا لَهُمْ شَهَادَةً أَبَدًا ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْفَاسِقُونَ
At sila na nagpaparatang sa mga malilinis (o birheng) babae, at hindi makapagtanghal ng apat na saksi, hagupitin sila ng walumpung hampas, at itakwil ang kanilang pagsaksi nang lubusan, katotohanang sila ay Fasiqun (mga sinungaling, palasuway, mapaghimagsik kay Allah)
إِلَّا الَّذِينَ تَابُوا مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ وَأَصْلَحُوا فَإِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
Maliban sa mga nagsisisi pagkatapos nito at nagsisigawa ng kabutihan, (sa gayon), katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, Ang Pinakamaawain
وَالَّذِينَ يَرْمُونَ أَزْوَاجَهُمْ وَلَمْ يَكُنْ لَهُمْ شُهَدَاءُ إِلَّا أَنْفُسُهُمْ فَشَهَادَةُ أَحَدِهِمْ أَرْبَعُ شَهَادَاتٍ بِاللَّهِ ۙ إِنَّهُ لَمِنَ الصَّادِقِينَ
At sa mga nagpaparatang sa kanilang mga asawang (babae) datapuwa’t wala silang saksi maliban sa kanilang sarili, hayaang ang pagsaksi ng isa sa kanila ay gawing apat na pagsaksi (alalaong baga, sumaksi ng apat na beses) sa (Ngalan) ni Allah na siya ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan
وَالْخَامِسَةُ أَنَّ لَعْنَتَ اللَّهِ عَلَيْهِ إِنْ كَانَ مِنَ الْكَاذِبِينَ
At ang ikalimang (pagsaksi) ay ang pagluhog sa Sumpa ni Allah sa kanya kung siya ay isa roon sa nagsasabi ng kasinungalingan (laban sa kanya, sa babae)
وَيَدْرَأُ عَنْهَا الْعَذَابَ أَنْ تَشْهَدَ أَرْبَعَ شَهَادَاتٍ بِاللَّهِ ۙ إِنَّهُ لَمِنَ الْكَاذِبِينَ
Datapuwa’t mapipigilan ang kaparusahan sa kanya (sa babae na batuhin hanggang mamatay) kung siya ay magbibigay saksi ng apat na beses na ang kanyang (asawa) ay nagsasabi ng kasinungalingan
وَالْخَامِسَةَ أَنَّ غَضَبَ اللَّهِ عَلَيْهَا إِنْ كَانَ مِنَ الصَّادِقِينَ
At ang ikalimang pagsaksi ay manaig sa kanya (babae), ang Poot ni Allah kung ang kanyang asawa (lalaki) ay nagsasabi (pala) ng katotohanan
وَلَوْلَا فَضْلُ اللَّهِ عَلَيْكُمْ وَرَحْمَتُهُ وَأَنَّ اللَّهَ تَوَّابٌ حَكِيمٌ
At kung hindi lamang sa Pagpapala ni Allah at Kanyang Habag sa inyo (minadali sana Niya ang kaparusahan sa inyo)! At si Allah ang Tanging Siya na tumatanggap ng pagsisisi, ang Pinakamaalam
Load More