Surah As-Sajda Translated in Filipino
تَنْزِيلُ الْكِتَابِ لَا رَيْبَ فِيهِ مِنْ رَبِّ الْعَالَمِينَ
(Naririto ang) kapahayagan ng Aklat (ang Qur’an) na walang alinlangan mula sa Panginoon ng lahat ng mga nilalang
أَمْ يَقُولُونَ افْتَرَاهُ ۚ بَلْ هُوَ الْحَقُّ مِنْ رَبِّكَ لِتُنْذِرَ قَوْمًا مَا أَتَاهُمْ مِنْ نَذِيرٍ مِنْ قَبْلِكَ لَعَلَّهُمْ يَهْتَدُونَ
o sila ba ay nagsasabi: “Siya (Muhammad) ay kumatha (naggawa-gawa) lamang nito?” Hindi, ito ang Katotohanan mula sa iyong Panginoon upang iyong mapaalalahanan ang mga tao na sa kanila ay walang dumatal na Tagapagbabala nang una sa iyo; upang sila ay tumpak na mapatnubayan
اللَّهُ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا فِي سِتَّةِ أَيَّامٍ ثُمَّ اسْتَوَىٰ عَلَى الْعَرْشِ ۖ مَا لَكُمْ مِنْ دُونِهِ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا شَفِيعٍ ۚ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ
Si Allah, Siya ang lumikha ng kalangitan at kalupaan at lahat ng mga nasa pagitan nito sa anim na Araw; at in- Istawa (itinindig) Niya ang Kanyang sarili sa Luklukan (ng kapamahalaan ayon sa paraan na naaayon sa Kanyang Kamahalan). Kayo (O sangkatauhan) ay wala ng iba pa maliban sa Kanya bilang isang Wali (Tagapangalaga, Tagapagtanggol, Kawaksi, atbp.) o isang tagapamagitan (sa inyo). Hindi baga kayo tatanggap ng paala-ala
يُدَبِّرُ الْأَمْرَ مِنَ السَّمَاءِ إِلَى الْأَرْضِ ثُمَّ يَعْرُجُ إِلَيْهِ فِي يَوْمٍ كَانَ مِقْدَارُهُ أَلْفَ سَنَةٍ مِمَّا تَعُدُّونَ
Siya ang namamahala (sa bawat) pangyayari mula sa kalangitan tungo sa kalupaan; at ito (ang pangyayari) ay pumapanhik sa Kanya, sa isang Araw, na ang sukat nito ay katulad ng isang libong taon sa inyong pagbilang (alalaong baga, ang pagbibilang ayon sa ating pangkasalukuyang oras sa mundong ito)
ذَٰلِكَ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ
Siya (si Allah), ang Ganap na Nakakaalam ng lahat ng bagay, na nakalingid at lantad, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Pinakamaawain
الَّذِي أَحْسَنَ كُلَّ شَيْءٍ خَلَقَهُ ۖ وَبَدَأَ خَلْقَ الْإِنْسَانِ مِنْ طِينٍ
Siya na lumikha ng lahat ng bagay sa pinakamainam na paraan at sinimulan Niya ang paglikha sa tao mula sa putik
ثُمَّ جَعَلَ نَسْلَهُ مِنْ سُلَالَةٍ مِنْ مَاءٍ مَهِينٍ
At ginawa Niya ang kanyang (Adan) mga supling mula sa walang katuturang katas (ng semilya ng lalaki at babae)
ثُمَّ سَوَّاهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِنْ رُوحِهِ ۖ وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۚ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ
At Kanyang hinubog siya sa ganap na sukat, at hiningahan Niya ito ng Kanyang espiritu (ang kaluluwa na nilikha ni Allah sa gayong tao), at iginawad Niya sa inyo ang pandinig (tainga), paningin (mata) at pang-unawa (puso). Kakarampot na pasasalamat lamang ang inyong ibinibigay
وَقَالُوا أَإِذَا ضَلَلْنَا فِي الْأَرْضِ أَإِنَّا لَفِي خَلْقٍ جَدِيدٍ ۚ بَلْ هُمْ بِلِقَاءِ رَبِّهِمْ كَافِرُونَ
At sila ay nagsasabi: “Ano! Kung kami ay pumanaw, matago at mawala sa kalupaaan, kami baga ay lilikhaing muli?” Hindi, datapuwa’t itinatakwil nila ang Pakikipagtipan sa kanilang Panginoon
Load More