Quran Apps in many lanuages:

Surah As-Sajda Ayahs #13 Translated in Filipino

ثُمَّ سَوَّاهُ وَنَفَخَ فِيهِ مِنْ رُوحِهِ ۖ وَجَعَلَ لَكُمُ السَّمْعَ وَالْأَبْصَارَ وَالْأَفْئِدَةَ ۚ قَلِيلًا مَا تَشْكُرُونَ
At Kanyang hinubog siya sa ganap na sukat, at hiningahan Niya ito ng Kanyang espiritu (ang kaluluwa na nilikha ni Allah sa gayong tao), at iginawad Niya sa inyo ang pandinig (tainga), paningin (mata) at pang-unawa (puso). Kakarampot na pasasalamat lamang ang inyong ibinibigay
وَقَالُوا أَإِذَا ضَلَلْنَا فِي الْأَرْضِ أَإِنَّا لَفِي خَلْقٍ جَدِيدٍ ۚ بَلْ هُمْ بِلِقَاءِ رَبِّهِمْ كَافِرُونَ
At sila ay nagsasabi: “Ano! Kung kami ay pumanaw, matago at mawala sa kalupaaan, kami baga ay lilikhaing muli?” Hindi, datapuwa’t itinatakwil nila ang Pakikipagtipan sa kanilang Panginoon
قُلْ يَتَوَفَّاكُمْ مَلَكُ الْمَوْتِ الَّذِي وُكِّلَ بِكُمْ ثُمَّ إِلَىٰ رَبِّكُمْ تُرْجَعُونَ
Ipagbadya: “Ang anghel ng kamatayan na nakatalaga sa inyo ay (walang pagsalang) magtatangan ng inyong kaluluwa; at kayo ay muling ibabalik sa inyong Panginoon.”
وَلَوْ تَرَىٰ إِذِ الْمُجْرِمُونَ نَاكِسُو رُءُوسِهِمْ عِنْدَ رَبِّهِمْ رَبَّنَا أَبْصَرْنَا وَسَمِعْنَا فَارْجِعْنَا نَعْمَلْ صَالِحًا إِنَّا مُوقِنُونَ
At kung inyo lamang mapagmamasdan kung ang Mujrimun (mga makasalanan, walang pananampalataya, kriminal, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) ay magyuyukod ng kanilang ulo sa harapan ng kanilang Panginoon, (na nagsasabi): “Aming Panginoon! Aming napagmasdan at aming napakinggan; kaya’t kami ay muli Ninyong ibalik (sa kalupaan); kami ay magiging matuwid at gagawa ng kabutihan. Katotohanan! Kami ngayon ay sumasampalataya ng walang alinlangan.”
وَلَوْ شِئْنَا لَآتَيْنَا كُلَّ نَفْسٍ هُدَاهَا وَلَٰكِنْ حَقَّ الْقَوْلُ مِنِّي لَأَمْلَأَنَّ جَهَنَّمَ مِنَ الْجِنَّةِ وَالنَّاسِ أَجْمَعِينَ
Kung Amin lamang ninais; walang pagsala, na mabibigyan Namin ang bawat kaluluwa ng tamang patnubay; datapuwa’t ang Salita mula sa Akin ay makapangyayari (sa mga mapaggawa ng kasalanan): “Aking pupunuin ang Impiyerno na magkasama ang mga Jinn at mga tao.”

Choose other languages: