Surah Ash-Shura Translated in Filipino
كَذَٰلِكَ يُوحِي إِلَيْكَ وَإِلَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكَ اللَّهُ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
Sa ganito (Siya) ay nagpadala ng inspirasyon sa iyo (o Muhammad) na kagaya rin naman ng mga nangauna sa iyo. Si Allah ang Pinakamakapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan
لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ وَهُوَ الْعَلِيُّ الْعَظِيمُ
Sa Kanya ang pag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan; at Siya ang Kataas-taasan, Ang Sukdol sa Kadakilaan
تَكَادُ السَّمَاوَاتُ يَتَفَطَّرْنَ مِنْ فَوْقِهِنَّ ۚ وَالْمَلَائِكَةُ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَيَسْتَغْفِرُونَ لِمَنْ فِي الْأَرْضِ ۗ أَلَا إِنَّ اللَّهَ هُوَ الْغَفُورُ الرَّحِيمُ
Ang mga kalangitan ay halos mabiyak sa pagkalansag-lansag sa kanilang ibabaw (sa pamamagitan ng Kanyang Kamahalan), at ang mga anghel ay lumuluwalhati ng mga papuri ng kanilang Panginoon at nagsusumamo sa kapatawaran ng mga nasa kalupaan. Katotohanan! Siya si Allah, ang Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَالَّذِينَ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ اللَّهُ حَفِيظٌ عَلَيْهِمْ وَمَا أَنْتَ عَلَيْهِمْ بِوَكِيلٍ
At sa kanila na tumatangkilik ng Auliya (tagapangalaga, tagapagtaguyod, kawaksi, atbp.) ng iba pa maliban sa Kanya (alalaong baga, sila ay nananawagan sa mga diyus- diyosan bilang tagapangalaga at ito ay kanilang sinasamba), si Allah ang Hafiz (Tagapangalaga) sa kanila (nakakamasid sa kanilang ginagawa at Siyang gaganti sa kanila), at ikaw (o Muhammad) ay hindi isang wakil (tagapamahala) ng mga pangyayari sa kanilang buhay (upang pangalagaan ang kanilang mga gawa)
وَكَذَٰلِكَ أَوْحَيْنَا إِلَيْكَ قُرْآنًا عَرَبِيًّا لِتُنْذِرَ أُمَّ الْقُرَىٰ وَمَنْ حَوْلَهَا وَتُنْذِرَ يَوْمَ الْجَمْعِ لَا رَيْبَ فِيهِ ۚ فَرِيقٌ فِي الْجَنَّةِ وَفَرِيقٌ فِي السَّعِيرِ
At ikaw (o Muhammad) ay binigyan Namin ng Qur’an (sa wikang Arabik) upang iyong mapaalalahanan ang Ina ng mga Lungsod (Makkah) at ang nakapaligid dito, at upang bigyang babala (sila) ng Araw ng Paghahanay na walang alinlangan; (na kung saan) ang ibang pangkat ay tutungo sa Halamanan (Paraiso, alalaong baga, sila na sumampalataya kay Allah at sumunod sa anumang ipinahayag sa kanila ng Tagapagbalita ni Allah), at ang ibang pangkat ay (tutungo) sa Naglalagablab na Apoy (Impiyerno, alalaong baga, ang hindi sumampalataya kay Allah at sumuway sa ipinahayag ng Tagapagbalita ni Allah)
وَلَوْ شَاءَ اللَّهُ لَجَعَلَهُمْ أُمَّةً وَاحِدَةً وَلَٰكِنْ يُدْخِلُ مَنْ يَشَاءُ فِي رَحْمَتِهِ ۚ وَالظَّالِمُونَ مَا لَهُمْ مِنْ وَلِيٍّ وَلَا نَصِيرٍ
Kung ninais lamang ni Allah, magagawa Niya na likhain sila na iisang bansa (pamayanan); datapuwa’t tinatanggap Niya ang sinumang Kanyang maibigan sa Kanyang Habag. Ang Zalimun (mga tampalasan, pagano, mapagsamba sa diyus- diyosan, mapaggawa ng kamalian) ay walang magiging wali (tagapangalaga), gayundin ng kawaksi
أَمِ اتَّخَذُوا مِنْ دُونِهِ أَوْلِيَاءَ ۖ فَاللَّهُ هُوَ الْوَلِيُّ وَهُوَ يُحْيِي الْمَوْتَىٰ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Ano! Nagturing ba sila (sa pagsamba) ng iba pang Auliya (tagapangalaga, tagapagtaguyod, kawaksi, atbp.) maliban pa sa Kanya? Datapuwa’t si Allah, Siya lamang ang Wali (Tagapangalaga, atbp.). At Siya ang naggagawad ng buhay sa patay at Siya ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay
وَمَا اخْتَلَفْتُمْ فِيهِ مِنْ شَيْءٍ فَحُكْمُهُ إِلَى اللَّهِ ۚ ذَٰلِكُمُ اللَّهُ رَبِّي عَلَيْهِ تَوَكَّلْتُ وَإِلَيْهِ أُنِيبُ
At sa anumang bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan, ang pasya rito ay na kay Allah (Siya ang Namamayaning Hukom). Siya si Allah, ang aking Panginoon; sa Kanya ako ay nagtitiwala, at sa Kanya ako bumabaling sa lahat ng mga pangyayari sa akin at sa pagtitika
Load More