Surah At-Taghabun Translated in Filipino
يُسَبِّحُ لِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ ۖ لَهُ الْمُلْكُ وَلَهُ الْحَمْدُ ۖ وَهُوَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
Ang anupamang nasa kalangitan at kalupaan ay nagpapahayag ng mga pagpupuri at kaluwalhatian ni Allah. Sa Kanya ang Paghahari at Siya ang nag-aangkin ng lahat ng mga papuri at pasasalamat, at Siya ay may kapangyarihan sa lahat ng bagay
هُوَ الَّذِي خَلَقَكُمْ فَمِنْكُمْ كَافِرٌ وَمِنْكُمْ مُؤْمِنٌ ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ بَصِيرٌ
Siya (Allah) ang lumikha sa inyo, at sa lipon ninyo ay may mga hindi sumasampalataya, at ang iba sa inyo ay nananampalataya. At si Allah ang Lubos na Nakakamasid ng lahat ninyong ginagawa
خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ وَصَوَّرَكُمْ فَأَحْسَنَ صُوَرَكُمْ ۖ وَإِلَيْهِ الْمَصِيرُ
Nilikha Niya ang kalangitan at kalupaan ng may katotohanan, at Kanyang binigyan kayo ng anyo at ginawa Niya na maganda ang inyong hubog, at sa Kanya ang huling pagbabalik
يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَيَعْلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعْلِنُونَ ۚ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ
Talastas Niya kung ano ang nasa kalangitan at kalupaan, at batid Niya kung ano ang inyong inililihim at inilalantad. Katotohanang si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ng mga (lihim) ng puso (ng mga tao)
أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَبَأُ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَبْلُ فَذَاقُوا وَبَالَ أَمْرِهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ
Hindi baga nakarating sa inyo ang balita ng mga tao ng nagdaang kahapon na nagtakwil sa pananampalataya? Kaya’t kanilang nalasap ang masamang bunga ng kanilang kawalan ng pananalig, at sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُ كَانَتْ تَأْتِيهِمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَقَالُوا أَبَشَرٌ يَهْدُونَنَا فَكَفَرُوا وَتَوَلَّوْا ۚ وَاسْتَغْنَى اللَّهُ ۚ وَاللَّهُ غَنِيٌّ حَمِيدٌ
Ito’y sa dahilang ipinadala sa kanila ang kanilang mga Tagapagbalita na may Maliliwanag na Katibayan (mga Tanda), datapuwa’t sila ay nagsabi: “Isang tao baga (lamang) ang mamamatnubay sa amin?” Kaya’t itinakwil nila ang pahayag at nagsitalikod (sa Katotohanan), at si Allah ay hindi nangangailangan (sa kanila). At si Allah ay Masagana (Walang Pangangailangan), ang Karapat- dapat sa lahat ng pagpupuri
زَعَمَ الَّذِينَ كَفَرُوا أَنْ لَنْ يُبْعَثُوا ۚ قُلْ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتُبْعَثُنَّ ثُمَّ لَتُنَبَّؤُنَّ بِمَا عَمِلْتُمْ ۚ وَذَٰلِكَ عَلَى اللَّهِ يَسِيرٌ
Ang mga hindi sumasampalataya ay nagkukunwari na sila ay hindi ibabangong muli (sa pagsusulit). Ipagbadya (o Muhammad): “Tunay nga, sa pamamagitan ng aking Panginoon, walang pagsala na kayo ay ibabangong muli, at sa inyo ay ipapahayag (ang katotohanan at kabayaran) ng lahat ninyong ginawa, at ito ay lubhang magaan kay Allah”
فَآمِنُوا بِاللَّهِ وَرَسُولِهِ وَالنُّورِ الَّذِي أَنْزَلْنَا ۚ وَاللَّهُ بِمَا تَعْمَلُونَ خَبِيرٌ
Samakatuwid, magsisampalataya kayo kay Allah at sa kanyang Tagapagbalita (Muhammad), at sa Liwanag (ang Qur’an) na Aming ipinanaog. At si Allah ang Lubos na Nakakaalam ng lahat ninyong ginagawa
يَوْمَ يَجْمَعُكُمْ لِيَوْمِ الْجَمْعِ ۖ ذَٰلِكَ يَوْمُ التَّغَابُنِ ۗ وَمَنْ يُؤْمِنْ بِاللَّهِ وَيَعْمَلْ صَالِحًا يُكَفِّرْ عَنْهُ سَيِّئَاتِهِ وَيُدْخِلْهُ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ خَالِدِينَ فِيهَا أَبَدًا ۚ ذَٰلِكَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ
(At alalahanin) ang Araw na Kanyang ihahanay kayong (lahat) sa Araw ng Pagtitipon, - ito ang Araw ng Pagkalugi at Pakinabang sa isa’t isa (alalaong baga, ito ay pagkalugi sa mga hindi sumasampalataya sapagkat sila ay papasok sa Apoy ng Impiyerno,atpakinabangsamgasumasampalatayasapagkat sila ay papasok sa Paraiso). At sinuman ang sumampalataya kay Allah at nagsisigawa ng katuwiran at kabutihan ay ipapatawad Niya sa kanila ang kanilang mga kasalanan, at Kanyang tatanggapin sila sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), upang manahan dito magpakailanman, ito ang Tugatog ng Tagumpay
وَالَّذِينَ كَفَرُوا وَكَذَّبُوا بِآيَاتِنَا أُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ خَالِدِينَ فِيهَا ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ
Datapuwa’t sila na nagtatakwil ng pananampalataya (alalaong baga, sa Kaisahan ni Allah) at nagtuturing sa Aming Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, talata, atbp.) na walang katotohanan, sila ang magsisipanirahan sa 886 Apoy, upang manahan dito magpakailanman. At tunay na napakasama ang gayong hantungan
Load More