Surah At-Tahrim Translated in Filipino
يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ لِمَ تُحَرِّمُ مَا أَحَلَّ اللَّهُ لَكَ ۖ تَبْتَغِي مَرْضَاتَ أَزْوَاجِكَ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ
o Propeta! Bakit mo ipinagbabawal (sa iyong sarili) ang ipinagkaloob sa iyo ni Allah na Kanyang pinahihintulutan, na ikaw ay naghahangad na maging maligaya ang iyong mga asawa? At si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
قَدْ فَرَضَ اللَّهُ لَكُمْ تَحِلَّةَ أَيْمَانِكُمْ ۚ وَاللَّهُ مَوْلَاكُمْ ۖ وَهُوَ الْعَلِيمُ الْحَكِيمُ
Si Allah ang nagtadhana sa inyo (o mga kalalakihan) na pawalang bisa ang inyong panata (pangako). At si Allah ang inyong Maula (Tagapagtanggol, Panginoon, atbp.), at Siya ang may Lubos na Karunungan, ang Pinakamaalam
وَإِذْ أَسَرَّ النَّبِيُّ إِلَىٰ بَعْضِ أَزْوَاجِهِ حَدِيثًا فَلَمَّا نَبَّأَتْ بِهِ وَأَظْهَرَهُ اللَّهُ عَلَيْهِ عَرَّفَ بَعْضَهُ وَأَعْرَضَ عَنْ بَعْضٍ ۖ فَلَمَّا نَبَّأَهَا بِهِ قَالَتْ مَنْ أَنْبَأَكَ هَٰذَا ۖ قَالَ نَبَّأَنِيَ الْعَلِيمُ الْخَبِيرُ
At (alalahanin) nang ang Propeta ay nagsiwalat ng bagay na dapat ingatan (at ilihim) sa isa sa kanyang mga asawa (si Hafsa), at ipinagtapat din naman (ng kanyang asawa sa iba pa, kay Aisha), at ginawa ni Allah na kanya itong mapag-alaman, at hinayaan niyang mapag-alaman 892 (ng kanyang asawa) ang bahagi nito at hindi niya isiniwalat ang ibang bahagi. At nang kanyang ipagtapat (sa kanyang asawang si Hafsa) ang mga ito, siya (Hafsa) ay nagsabi: “ Sino ang nagpahayag sa iyo ng mga ito? Siya (ang Propeta) ay nagsabi: “Siya (Allah) na Puspos ng Karunungan, ang Ganap na Nakakaalam, ang nagpahayag sa akin.”
إِنْ تَتُوبَا إِلَى اللَّهِ فَقَدْ صَغَتْ قُلُوبُكُمَا ۖ وَإِنْ تَظَاهَرَا عَلَيْهِ فَإِنَّ اللَّهَ هُوَ مَوْلَاهُ وَجِبْرِيلُ وَصَالِحُ الْمُؤْمِنِينَ ۖ وَالْمَلَائِكَةُ بَعْدَ ذَٰلِكَ ظَهِيرٌ
At kung kayong dalawa (na mga asawa ng Propeta, si Aisha at Hafsa) ay dumulog sa pagsisisi kay Allah (ito ay higit na mainam sa inyo), sapagkat ang inyong puso ay katotohanang nagnanais (na tutulan ang naiibigan ng Propeta), datapuwa’t kung kayo ay magtulungan sa isa’t-isa ng laban sa kanya (Muhammad), kung gayon, katotohanang si Allah ang kanyang Maula (Tagapagtanggol, Panginoon, Tagapangalaga, atbp.), at si Gabriel, at ang mga matutuwid sa lipon ng nananampalataya, at bukod pa rito, ang mga anghel ang kanyang kawaksi
عَسَىٰ رَبُّهُ إِنْ طَلَّقَكُنَّ أَنْ يُبْدِلَهُ أَزْوَاجًا خَيْرًا مِنْكُنَّ مُسْلِمَاتٍ مُؤْمِنَاتٍ قَانِتَاتٍ تَائِبَاتٍ عَابِدَاتٍ سَائِحَاتٍ ثَيِّبَاتٍ وَأَبْكَارًا
Maaaring mangyari na kung kayong (lahat) ay diborsiyuhin niya, ang kanyang Panginoon ay magkakaloob sa kanya sa halip ninyo, ng mga asawa na higit na mainam sa inyo, mga Muslim (na sumusuko kay Allah), na nananampalataya at matimtiman, na mapagsisi, na sumasamba ng buong kababaan at lumilikas (sa ibang lugar) tungo (sa Kapakanan ni Allah), at nag-aayuno maging balo man o dalaga
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا قُوا أَنْفُسَكُمْ وَأَهْلِيكُمْ نَارًا وَقُودُهَا النَّاسُ وَالْحِجَارَةُ عَلَيْهَا مَلَائِكَةٌ غِلَاظٌ شِدَادٌ لَا يَعْصُونَ اللَّهَ مَا أَمَرَهُمْ وَيَفْعَلُونَ مَا يُؤْمَرُونَ
o kayong nagsisisampalataya! Iadya ninyo ang inyong sarili at inyong mga kaanak sa Apoy (ng Impiyerno) na ang panggatong ay mga tao at bato, na rito ay nakatalaga ang mga anghel na malupit at mahigpit na hindi sumusuway sa pagsunod sa anumang pag-uutos na kanilang tinatanggap mula kay Allah, bagkus ay gumagawa ng ayon sa anumang sa kanila ay ipinag-uutos
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ كَفَرُوا لَا تَعْتَذِرُوا الْيَوْمَ ۖ إِنَّمَا تُجْزَوْنَ مَا كُنْتُمْ تَعْمَلُونَ
(At sa Kabilang Buhay ay ipagtuturing): “o kayong hindi nananampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam)! Huwag kayong gumawa ng mga dahilan (ng pag-iwas) sa Araw na ito! Kayo ay binayaran lamang bilang kapalit ng inyong mga ginawa!”
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا تُوبُوا إِلَى اللَّهِ تَوْبَةً نَصُوحًا عَسَىٰ رَبُّكُمْ أَنْ يُكَفِّرَ عَنْكُمْ سَيِّئَاتِكُمْ وَيُدْخِلَكُمْ جَنَّاتٍ تَجْرِي مِنْ تَحْتِهَا الْأَنْهَارُ يَوْمَ لَا يُخْزِي اللَّهُ النَّبِيَّ وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ ۖ نُورُهُمْ يَسْعَىٰ بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَبِأَيْمَانِهِمْ يَقُولُونَ رَبَّنَا أَتْمِمْ لَنَا نُورَنَا وَاغْفِرْ لَنَا ۖ إِنَّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ
o kayong nagsisisampalataya! Magsibaling kayo kay Allah ng may matapat na pagsisisi! At umasam na ang inyong Panginoon ay magpapatawad sa inyo ng inyong kasalanan at Kanyang tatanggapin kayo sa Halamanan na sa ilalim nito ay may mga ilog na nagsisidaloy (Paraiso), sa Araw na si Allah ay hindi magpapahintulot na ang Propeta (Muhammad) ay hamakin, gayundin ang mga nananalig sa kanya. Ang kanilang Liwanag ay magsisitakbo sa kanilang harapan na kasama (ang kanilang Talaan, ang mga aklat ng gawa) sa kanilang kanang kamay, sila ay magsasabi: “Aming Panginoon! Inyong ganapin ang (aming) Liwanag sa amin (at huwag Ninyo itong patdin hanggang kami ay hindi nakakalampas sa Sirat [isang madulas na Tulay sa ibabaw ng Impiyerno] na ligtas) at ipagkaloob Ninyo sa amin ang Kapatawaran. Katotohanang Kayo ang may kapangyarihan sa lahat ng bagay
يَا أَيُّهَا النَّبِيُّ جَاهِدِ الْكُفَّارَ وَالْمُنَافِقِينَ وَاغْلُظْ عَلَيْهِمْ ۚ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ
o Propeta(Muhammad)! Magsumikapkangmaigilaban sa mga hindi sumasampalataya at sa mga mapagkunwari, at maging matatag laban sa kanila. Ang kanilang pananahanan ay Impiyerno. Katotohanang pagkasama-sama ng gayong hantungan
ضَرَبَ اللَّهُ مَثَلًا لِلَّذِينَ كَفَرُوا امْرَأَتَ نُوحٍ وَامْرَأَتَ لُوطٍ ۖ كَانَتَا تَحْتَ عَبْدَيْنِ مِنْ عِبَادِنَا صَالِحَيْنِ فَخَانَتَاهُمَا فَلَمْ يُغْنِيَا عَنْهُمَا مِنَ اللَّهِ شَيْئًا وَقِيلَ ادْخُلَا النَّارَ مَعَ الدَّاخِلِينَ
Si Allah ay nagturing ng isang halimbawa sa mga hindi sumasampalataya, ang asawa ni Noe at asawa ni Lut. Sila ay kapwa nasa pagtangkilik ng Aming matutuwid na Tagapaglingkod, datapuwa’t sila ay hindi tapat sa kanilang asawa (sa dahilang tinututulan nila ang kanilang pagtuturo), kaya’t sila (Noe at Lut) ay walang napakinabang (sa kanilang ginawa sa harapan ni Allah), at sila (asawa ni Noe at Lut) ay pinagsabihan: “Magsipasok (kayo) sa Apoy na kasama nila na nagsisipasok.”
Load More