Quran Apps in many lanuages:

Surah At-Tawba Translated in Filipino

بَرَاءَةٌ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ إِلَى الَّذِينَ عَاهَدْتُمْ مِنَ الْمُشْرِكِينَ
Isang (pagpapahayag) ng kalayaan (kawalan ng pananagutan) sa (lahat) ng mga katungkulan mula kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita, sa Mushrikun (mga mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.), na sa kanila, kayo (mga Muslim) ay gumawa ng kasunduan
فَسِيحُوا فِي الْأَرْضِ أَرْبَعَةَ أَشْهُرٍ وَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ غَيْرُ مُعْجِزِي اللَّهِ ۙ وَأَنَّ اللَّهَ مُخْزِي الْكَافِرِينَ
Kaya’t magsipaglakbay kayo nang malaya (o Mushrikun, mga pagano) sa loob ng apat na buwan (ayon sa inyong nais) sa buong kalupaan, datapuwa’t inyong maalaman na kayo ay hindi makakatalilis (sa kaparusahan) ni Allah, at si Allah ay magpapawalang dangal sa mga hindi sumasampalataya
وَأَذَانٌ مِنَ اللَّهِ وَرَسُولِهِ إِلَى النَّاسِ يَوْمَ الْحَجِّ الْأَكْبَرِ أَنَّ اللَّهَ بَرِيءٌ مِنَ الْمُشْرِكِينَ ۙ وَرَسُولُهُ ۚ فَإِنْ تُبْتُمْ فَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۖ وَإِنْ تَوَلَّيْتُمْ فَاعْلَمُوا أَنَّكُمْ غَيْرُ مُعْجِزِي اللَّهِ ۗ وَبَشِّرِ الَّذِينَ كَفَرُوا بِعَذَابٍ أَلِيمٍ
At isang pagpapahayag mula kay Allah at ng Kanyang Tagapagbalita sa sangkatauhan sa dakilang araw (ang ika-10 ng Dhul Hijja, – ang panlabingdalawang buwan ng kalendaryong Islamiko), na si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita ay malaya (walang pananagutan) sa lahat ng mga katungkulan sa Mushrikun (mga pagano, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.), [alalaong baga, si Allah at ang Kanyang Tagapagbalita ay nagpapawalang saysay ng kasunduan sa mga Pagano]. Kaya’t kung kayo (O Mushrikun) ay magsipagtika, ito ay higit na mabuti sa inyo, datapuwa’t kung kayo ay magsitalikod, kung gayon, inyong maalaman na kayo ay hindi makakatalilis (sa kaparusahan ni Allah). At magbigay ng balita (o Muhammad) sa mga hindi sumasampalataya ng isang kasakit-sakit na kaparusahan
إِلَّا الَّذِينَ عَاهَدْتُمْ مِنَ الْمُشْرِكِينَ ثُمَّ لَمْ يَنْقُصُوكُمْ شَيْئًا وَلَمْ يُظَاهِرُوا عَلَيْكُمْ أَحَدًا فَأَتِمُّوا إِلَيْهِمْ عَهْدَهُمْ إِلَىٰ مُدَّتِهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُتَّقِينَ
Maliban sa Mushrikun na mayroon kayong kasunduan, at hindi nagbigay sa inyo ng pagkabigo sa anuman, gayundin, sila ay hindi nagtaguyod sa sinuman na laban sa inyo. Kaya’t inyong tuparin ang inyong kasunduan sa kanila hanggang sa katapusan ng takdang araw. Katiyakang si Allah ay nagmamahal sa Al-Muttaqun (mga matimtiman, mabuti, banal, matuwid na tao)
فَإِذَا انْسَلَخَ الْأَشْهُرُ الْحُرُمُ فَاقْتُلُوا الْمُشْرِكِينَ حَيْثُ وَجَدْتُمُوهُمْ وَخُذُوهُمْ وَاحْصُرُوهُمْ وَاقْعُدُوا لَهُمْ كُلَّ مَرْصَدٍ ۚ فَإِنْ تَابُوا وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَآتَوُا الزَّكَاةَ فَخَلُّوا سَبِيلَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ
At kung ang mga sagradong (banal) buwan (ang una, pampito, panlabing-isa, at panlabingdalawang buwan ng kalendaryong Islamiko) ay matapos, kung gayon, inyong patayin ang Mushrikun kahit saan ninyo matagpuan sila, inyong bihagin sila at salakayin, at maghanda kayo para sa kanila ng isa at lahat ng pagtambang. Datapuwa’t kung sila ay magtika at mag-alay ng pagdarasal nang mahinusay (Iqamat-as-Salat), at magbigay ng Zakah (katungkulang kawanggawa), kung gayon, hayaan ang kanilang landas ay maging malaya. Katotohanang si Allah ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
وَإِنْ أَحَدٌ مِنَ الْمُشْرِكِينَ اسْتَجَارَكَ فَأَجِرْهُ حَتَّىٰ يَسْمَعَ كَلَامَ اللَّهِ ثُمَّ أَبْلِغْهُ مَأْمَنَهُ ۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ قَوْمٌ لَا يَعْلَمُونَ
At kung sinuman sa Mushrikun (mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, pagano, walang pananalig sa kaisahan ni Allah, atbp.) ay humingi ng inyong pangangalaga, kung gayon, gawaran sila ng pangangalaga, upang kanyang marinig ang Salita ni Allah (ang Qur’an), at inyong samahan siya sa lugar na siya ay magiging ligtas, sapagkat sila ay mga tao na walang kaalaman
كَيْفَ يَكُونُ لِلْمُشْرِكِينَ عَهْدٌ عِنْدَ اللَّهِ وَعِنْدَ رَسُولِهِ إِلَّا الَّذِينَ عَاهَدْتُمْ عِنْدَ الْمَسْجِدِ الْحَرَامِ ۖ فَمَا اسْتَقَامُوا لَكُمْ فَاسْتَقِيمُوا لَهُمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ يُحِبُّ الْمُتَّقِينَ
Paano baga magkakaroon ng isang kasunduan kay Allah at sa Kanyang Tagapagbalita sa Mushrikun (mapagsamba sa maraming diyus-diyosan, pagano, hindi nananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp.) maliban sa kanila na gumawa ng kasunduan sa inyo na malapit sa Masjid Al-Haram (sa Makkah)? Hangga’t sila ay matapat sa inyo, maging matapat din kayo sa kanila. Katotohanang si Allah ay nagmamahal sa Al-Muttaqun (mga matimtiman, mabuti, matuwid na tao)
كَيْفَ وَإِنْ يَظْهَرُوا عَلَيْكُمْ لَا يَرْقُبُوا فِيكُمْ إِلًّا وَلَا ذِمَّةً ۚ يُرْضُونَكُمْ بِأَفْوَاهِهِمْ وَتَأْبَىٰ قُلُوبُهُمْ وَأَكْثَرُهُمْ فَاسِقُونَ
Paano (kayang magkakaroon ng gayong kasunduan sa kanila), dahil sa, nang kayo ay magahis nila, sila ay hindi nagsaalang-alang sa (inyong) pinagsamahan, maging ito man ay sa pagkakamag-anak o sa kasunduan sa inyo? (Sa magagandang salita) na galing sa kanilang bibig ay kanilang napapahinuhod kayo, datapuwa’t ang kanilang puso ay nagtatakwil sa inyo, at ang karamihan sa kanila ay Fasiqun (mapaghimagsik at palasuway kay Allah)
اشْتَرَوْا بِآيَاتِ اللَّهِ ثَمَنًا قَلِيلًا فَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِهِ ۚ إِنَّهُمْ سَاءَ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ
Sila ay bumili sa pamamagitan ng Ayat (mga katibayan, talata, aral, tanda, kapahayagan, atbp.) ni Allah, ng isang maliit na pakinabang, at hinadlangan nila ang mga tao tungo sa Kanyang Landas; tunay na kasamaan ang kanilang ginawa
لَا يَرْقُبُونَ فِي مُؤْمِنٍ إِلًّا وَلَا ذِمَّةً ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُعْتَدُونَ
Hindi nila pinahahalagahan ang sumasampalataya (sa alang-alang) ng pagsasamahan, maging ito man ay sa pagkakamag- anak o sa kasunduan! Sila nga ang mga lumalabag
Load More