Surah Az-Zalzala Translated in Filipino
إِذَا زُلْزِلَتِ الْأَرْضُ زِلْزَالَهَا
Kung ang Kalupaan ay mayanig sa kanyang (matinding) paglindol
وَقَالَ الْإِنْسَانُ مَا لَهَا
At ang tao ay magsasabi: “Ano 968 ang nangyayari (at nagpapagulo) sa kanya?”
يَوْمَئِذٍ تُحَدِّثُ أَخْبَارَهَا
Sa Araw na kanyang ipagsasaysay ang balita at kaalaman (sa mga naganap sa kanya na mga kabutihan at kasamaan)
يَوْمَئِذٍ يَصْدُرُ النَّاسُ أَشْتَاتًا لِيُرَوْا أَعْمَالَهُمْ
Sa Araw na ang sangkatauhan ay magsisilakad sa magkakahiwalay na pangkat upang itambad sa kanila ang kanilang mga gawa
فَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ خَيْرًا يَرَهُ
Kaya’t sinuman ang gumawa ng mabuting gawa na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay makakamalas nito
وَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ شَرًّا يَرَهُ
At ang sinumang gumawa ng masamang gawa na katumbas ng bigat ng isang atomo (o isang maliit na langgam), ay makakamalas nito