Quran Apps in many lanuages:

Surah Az-Zukhruf Ayahs #63 Translated in Filipino

إِنْ هُوَ إِلَّا عَبْدٌ أَنْعَمْنَا عَلَيْهِ وَجَعَلْنَاهُ مَثَلًا لِبَنِي إِسْرَائِيلَ
Siya (Hesus) ay hindi hihigit pa sa isang alipin. Aming iginawad ang Aming paglingap sa kanya at Aming ginawa siyang halimbawa sa Angkan ng Israel (alalaong baga, siya ay nilikha na walang ama)
وَلَوْ نَشَاءُ لَجَعَلْنَا مِنْكُمْ مَلَائِكَةً فِي الْأَرْضِ يَخْلُفُونَ
At kung ito lamang ay Aming Kalooban, magagawa Namin (na wasakin kayong lahat na mga tao) at ipalit sa inyo ang mga anghel dito sa kalupaan
وَإِنَّهُ لَعِلْمٌ لِلسَّاعَةِ فَلَا تَمْتَرُنَّ بِهَا وَاتَّبِعُونِ ۚ هَٰذَا صِرَاطٌ مُسْتَقِيمٌ
At siya (Hesus, na anak ni Maria) ay magiging isang Tanda (sa pagdating) ng oras (Araw ng Muling Pagkabuhay; [na si Hesus ay mananaog sa lupa bago dumatal ito]), kaya’t huwag kayong mag-alinlangan (sa Oras), datapuwa’t Ako ay inyong sundin; ito ang Tuwid na Landas (tungo kay Allah at sa Paraiso)
وَلَا يَصُدَّنَّكُمُ الشَّيْطَانُ ۖ إِنَّهُ لَكُمْ عَدُوٌّ مُبِينٌ
Huwag ninyong hayaan si Satanas na humadlang sa inyo (sa Tamang Pananalig). Katotohanang siya sa inyo ay isang lantad na kaaway
وَلَمَّا جَاءَ عِيسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ قَالَ قَدْ جِئْتُكُمْ بِالْحِكْمَةِ وَلِأُبَيِّنَ لَكُمْ بَعْضَ الَّذِي تَخْتَلِفُونَ فِيهِ ۖ فَاتَّقُوا اللَّهَ وَأَطِيعُونِ
Nang si Hesus ay dumatal na may Maliwanag na mga Katibayan (mula sa Amin), siya ay nagsabi: “Ako ay dumatal sa inyo na may Hikmah (karunungan ng isang propeta), upang aking gawing maliwanag sa inyo ang ilan (sa mga bagay-bagay) na inyong pinagtatalunan; kaya’t inyong pangambahan si Allah at ako ay inyong sundin.”

Choose other languages: