Surah Ghafir Translated in Filipino
تَنْزِيلُ الْكِتَابِ مِنَ اللَّهِ الْعَزِيزِ الْعَلِيمِ
Ang kapahayagan ng Aklat na ito (Qur’an) ay mula kay Allah, ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Puspos ng Karunungan
غَافِرِ الذَّنْبِ وَقَابِلِ التَّوْبِ شَدِيدِ الْعِقَابِ ذِي الطَّوْلِ ۖ لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ ۖ إِلَيْهِ الْمَصِيرُ
Na nagpapatawad ng kasalanan, ang tumatanggap ng pagsisisi, ang mahigpit sa kaparusahan, ang ganap na mapagkaloob. La ilaha illa Huwa (Wala ng iba pang diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Kanya), sa Kanya ang Huling Hantungan
مَا يُجَادِلُ فِي آيَاتِ اللَّهِ إِلَّا الَّذِينَ كَفَرُوا فَلَا يَغْرُرْكَ تَقَلُّبُهُمْ فِي الْبِلَادِ
walang sinuman ang makakapagpasubali (sa pagtatalo) sa Ayat (mga katibayan, kapahayagan, aral, tanda, atbp.) ni Allah maliban sa mga hindi sumasampalataya. Kaya’t huwag hayaan ang kanilang paglilibot sa kalupaan (sa kanilang mga minimithi) ay makadaya sa iyo (o Muhammad, ang kanilang pangwakas na hantungan ay Apoy ng Impiyerno)
كَذَّبَتْ قَبْلَهُمْ قَوْمُ نُوحٍ وَالْأَحْزَابُ مِنْ بَعْدِهِمْ ۖ وَهَمَّتْ كُلُّ أُمَّةٍ بِرَسُولِهِمْ لِيَأْخُذُوهُ ۖ وَجَادَلُوا بِالْبَاطِلِ لِيُدْحِضُوا بِهِ الْحَقَّ فَأَخَذْتُهُمْ ۖ فَكَيْفَ كَانَ عِقَابِ
Datapuwa’t (may mga tao) bago pa sa kanila ang nagtatwa sa (mga Tanda). Ang mga tao ni Noe at ang magkakapangkat na sumunod sa kanila; at ang bawat pamayanan ay nagtangka ng masama sa kanilang propeta upang hulihin siya, ang makipagtalo sa kanya sa paraan ng mga kapalaluan upang kanilang mabaligtad ang katotohanan. Datapuwa’t Ako ang sumakmal sa kanila (sa kaparusahan)! At gaano katindi ang Aking pagpaparusa
وَكَذَٰلِكَ حَقَّتْ كَلِمَتُ رَبِّكَ عَلَى الَّذِينَ كَفَرُوا أَنَّهُمْ أَصْحَابُ النَّارِ
Kaya’t sa ganito ang Salita ng inyong Panginoon ay naging makatuwiran laban sa mga walang pananampalataya at katotohanang sila ay magsisipanirahan sa Apoy
الَّذِينَ يَحْمِلُونَ الْعَرْشَ وَمَنْ حَوْلَهُ يُسَبِّحُونَ بِحَمْدِ رَبِّهِمْ وَيُؤْمِنُونَ بِهِ وَيَسْتَغْفِرُونَ لِلَّذِينَ آمَنُوا رَبَّنَا وَسِعْتَ كُلَّ شَيْءٍ رَحْمَةً وَعِلْمًا فَاغْفِرْ لِلَّذِينَ تَابُوا وَاتَّبَعُوا سَبِيلَكَ وَقِهِمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ
Sila (na mga anghel) na nagtatangan ng Luklukan (ni Allah) at sila na nakapalibot dito ay humihimig nang pagluwalhati at pagpupuri sa kanilang Panginoon; at sumasampalataya sa Kanya; at naninilukhod ng pagpapatawad sa mga sumasampalataya (na sumasambit): “O aming Panginoon! Kayo ang nakakasakop sa lahat ng bagay, sa biyaya at karunungan; Inyong patawarin sila na nagbabalik loob sa pagsisisi at tumatahak sa Inyong Landas at sila ay iadya Ninyo sa kaparusahan ng Naglalagablab na Apoy!”
رَبَّنَا وَأَدْخِلْهُمْ جَنَّاتِ عَدْنٍ الَّتِي وَعَدْتَهُمْ وَمَنْ صَلَحَ مِنْ آبَائِهِمْ وَأَزْوَاجِهِمْ وَذُرِّيَّاتِهِمْ ۚ إِنَّكَ أَنْتَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ
“At ipagkaloob Ninyo, o aming Panginoon!, na sila ay magsipasok sa Halamanan ng Walang Hanggan (Paraiso) na Inyongipinangakosakanila, atsamgamatutuwidsalipon ng kanilang mga ama, ng kanilang mga asawa, at sa kanilang mga angkan! Sapagkat Kayo lamang ang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Tigib ng Karunungan
وَقِهِمُ السَّيِّئَاتِ ۚ وَمَنْ تَقِ السَّيِّئَاتِ يَوْمَئِذٍ فَقَدْ رَحِمْتَهُ ۚ وَذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ
At Inyong panatilihin sila na ligtas sa (lahat) ng mga karamdaman (at kaparusahan) dahilan sa kanilang mga kasalanan at sinuman ang Inyong iligtas (sa kaparusahan) sa Araw na yaon, katotohanan na siya ay Inyong kinupkop ng Inyong habag, at ito ang tunay na mataas na tagumpay.”
إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا يُنَادَوْنَ لَمَقْتُ اللَّهِ أَكْبَرُ مِنْ مَقْتِكُمْ أَنْفُسَكُمْ إِذْ تُدْعَوْنَ إِلَى الْإِيمَانِ فَتَكْفُرُونَ
Ang mga hindi sumasampalataya ay pagsasabihan (sa sandali ng kanilang pagpasok sa Apoy): “Higit ang pagkaayaw ni Allah sa inyo (sa buhay sa mundong ito noong sila ay nagtakwil sa Pananampalataya) kaysa ang pag-ayaw ninyo sa inyong sarili sa isa’t isa (na ngayon ay nasa Apoy ng Impiyerno), dahilan sa kayo ay tinawagan sa pananampalataya at naging hirati na kayo sa pag-ayaw.”
Load More