Quran Apps in many lanuages:

Surah Muhammad Translated in Filipino

الَّذِينَ كَفَرُوا وَصَدُّوا عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ أَضَلَّ أَعْمَالَهُمْ
Sila na nagtatakwil (sa Kaisahan ni Allah at sa Mensahe ni Propeta Muhammad) at humahadlang sa mga tao tungo sa landas ni Allah, sa Islam), ang kanilang mga gawa ay hindi magwawagi kay Allah
وَالَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ وَآمَنُوا بِمَا نُزِّلَ عَلَىٰ مُحَمَّدٍ وَهُوَ الْحَقُّ مِنْ رَبِّهِمْ ۙ كَفَّرَ عَنْهُمْ سَيِّئَاتِهِمْ وَأَصْلَحَ بَالَهُمْ
Datapuwa’t sila na mga sumasampalataya at nagsisigawa ng kabutihan at nananalig sa kapahayagan na ipinanaog kay Muhammad, - sapagkat ito ang katotohanan mula sa kanilang Panginoon, ay Kanyang papawiin sa kanila ang kanilang mga kasalanan at pagdurusa at pag-iibayuhin Niya ang kanilang kalagayan na maging mainam
ذَٰلِكَ بِأَنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا اتَّبَعُوا الْبَاطِلَ وَأَنَّ الَّذِينَ آمَنُوا اتَّبَعُوا الْحَقَّ مِنْ رَبِّهِمْ ۚ كَذَٰلِكَ يَضْرِبُ اللَّهُ لِلنَّاسِ أَمْثَالَهُمْ
Sapagkat sila na nagtatakwil kay Allah ay sumusunod sa kabulaanan, ngunit sila na sumasampalataya ay sumusunod sa Katotohanan mula sa kanilang Panginoon. Sa ganitong pagtutulad ay ipinadarama ni Allah sa mga tao ang mga ito upang sa kanila ay maging aral
فَإِذَا لَقِيتُمُ الَّذِينَ كَفَرُوا فَضَرْبَ الرِّقَابِ حَتَّىٰ إِذَا أَثْخَنْتُمُوهُمْ فَشُدُّوا الْوَثَاقَ فَإِمَّا مَنًّا بَعْدُ وَإِمَّا فِدَاءً حَتَّىٰ تَضَعَ الْحَرْبُ أَوْزَارَهَا ۚ ذَٰلِكَ وَلَوْ يَشَاءُ اللَّهُ لَانْتَصَرَ مِنْهُمْ وَلَٰكِنْ لِيَبْلُوَ بَعْضَكُمْ بِبَعْضٍ ۗ وَالَّذِينَ قُتِلُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَلَنْ يُضِلَّ أَعْمَالَهُمْ
Kaya’t kung inyong makaharap sa labanan (Jihad, maka- Diyos na pakikibaka tungo sa Kapakanan ni Allah) ang mga hindi sumasampalataya, hampasin ninyo ang kanilang leeg hanggang (sa kalaunan), kung ang karamihan sa kanila ay inyo nang napatay o nasugatan, inyo silang talian ng panggapos ng mahigpit (alalaong baga, sila ay gawin ninyong bihag). Sa gayon, makaraan nito, naririto na ang sandali ng pagpaparaya (palayain sila ng walang tubos), o ipatubos (ayon sa kapakinabangan ng Islam), hanggang ang hilahil ng digmaan ay humupa. Sa ganito, kayo ay pinag-utusan (ni Allah na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng Jihad laban sa mga hindi sumasampalataya hanggang sa sila ay yumakap sa Islam [alalaong baga, ang mailigtas sila sa kaparusahan ng Apoy ng Impiyerno], o di kaya ay mapabilang sila sa ilalim ng inyong pangangalaga) , datapuwa’t kung ninais lamang ni Allah ay magagawa Niya na matalo sila (kahit na wala kayo), datapuwa’t ninais Niya na kayo ay lumaban upang Kanyang masubok kayo at ang iba pa. Datapuwa’t sila na nasawi dahil sa Landas ni Allah, ay hindi Niya hahayaan na ang kanilang mga gawa ay mawalang saysay
سَيَهْدِيهِمْ وَيُصْلِحُ بَالَهُمْ
Hindi magluluwat ay Kanyang papatnubayan sila at pauunlarin ang kanilang kalagayan
وَيُدْخِلُهُمُ الْجَنَّةَ عَرَّفَهَا لَهُمْ
At Kanyang tatanggapin sila sa Halamanan (Paraiso) na Kanyang ipinaaalam sa kanila (alalaong baga, malalaman nila ang kanilang lugar sa Paraiso ng higit sa pagkaalam nila sa kanilang tahanan sa mundong ito)
يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنْ تَنْصُرُوا اللَّهَ يَنْصُرْكُمْ وَيُثَبِّتْ أَقْدَامَكُمْ
O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay tutulong (sa kapakanan niAllah) ay Kanyang tutulungan kayo at ititindig Niya ang inyong mga paa nang matatag
وَالَّذِينَ كَفَرُوا فَتَعْسًا لَهُمْ وَأَضَلَّ أَعْمَالَهُمْ
Datapuwa’t sila na nagtatakwil (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam), sasakanila ang kapinsalaan at si Allah ang magpapasiya na wala silang matamasa sa kanilang mga gawa
ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمْ كَرِهُوا مَا أَنْزَلَ اللَّهُ فَأَحْبَطَ أَعْمَالَهُمْ
Sapagkat sila ay namumuhi sa kapahayagan na ipinanaog sa kanila ni Allah (ang Qur’an, mga batas Islamiko, atbp.), kaya’t ginawa Niya ang kanilang mga gawa na walang kapakinabangan
أَفَلَمْ يَسِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَيَنْظُرُوا كَيْفَ كَانَ عَاقِبَةُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ دَمَّرَ اللَّهُ عَلَيْهِمْ ۖ وَلِلْكَافِرِينَ أَمْثَالُهَا
Hindibagasilanagsipaglakbaysakahabaanngmgalupain at namasdan kung ano ang kinahinatnan ng mga nauna sa kanila ( na nagsigawa ng kabuktutan)? SiAllah ang naggawad sa kanila ng tandisang kapinsalaan at gayundin naman ang kahihinatnan ng mga hindi sumasampalataya (kay Allah)
Load More