Surah Saba Translated in Filipino

الْحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي لَهُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ وَلَهُ الْحَمْدُ فِي الْآخِرَةِ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْخَبِيرُ

Ang lahat ng pagluwalhati at pasasalamat ay kay Allah, tanging Siya ang nag-aangkin ng lahat ng nasa kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. Sa Kanya ang pagpaparangal at pasasalamat sa Kabilang Buhay; at Siya ay Puspos ng Karunungan, ang Tigib ng Kaalaman
يَعْلَمُ مَا يَلِجُ فِي الْأَرْضِ وَمَا يَخْرُجُ مِنْهَا وَمَا يَنْزِلُ مِنَ السَّمَاءِ وَمَا يَعْرُجُ فِيهَا ۚ وَهُوَ الرَّحِيمُ الْغَفُورُ

Talastas Niya kung ano ang pumapasok sa kalupaan at kung ano ang lumalabas mula rito; kung ano ang lahat nang mga nananaog sa alapaap (kalangitan) at kung ano ang lahat nang mga pumapanhik doon. At Siya ang Pinakamaawain, ang Malimit na Nagpapatawad
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا لَا تَأْتِينَا السَّاعَةُ ۖ قُلْ بَلَىٰ وَرَبِّي لَتَأْتِيَنَّكُمْ عَالِمِ الْغَيْبِ ۖ لَا يَعْزُبُ عَنْهُ مِثْقَالُ ذَرَّةٍ فِي السَّمَاوَاتِ وَلَا فِي الْأَرْضِ وَلَا أَصْغَرُ مِنْ ذَٰلِكَ وَلَا أَكْبَرُ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ

Ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Hindi kailanman sasapit sa amin ang Oras”. Ipagbadya: “Hindi! walang pagsala, sa pamamagitan ng aking Panginoon, ito ay daratal sa inyo.” (Si Allah), Siya ang Ganap na Nakakaalam ng nalilingid; maging ang timbang ng isang atomo (o isang maliit na langgam) o anumang bagay na maliit pa rito o malaki, sa kalangitan at kalupaan, ay hindi makakahulagpos sa Kanyang Karunungan (ang lahat), bagkus ay nasa loob ng isang Maliwanag na Talaan (Al-Lauh-Al-Mahfuz)
لِيَجْزِيَ الَّذِينَ آمَنُوا وَعَمِلُوا الصَّالِحَاتِ ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ

Upang Kanyang magantimpalaan ang mga sumasampalataya (sa Kaisahan ni Allah at sa Islam) at nagsisigawa ng katuwiran at kabutihan; sila, sasakanila ang pagpapatawad at Rizqun Karim (panustos na nag-uumapaw, alalaong baga, ang Paraiso)
وَالَّذِينَ سَعَوْا فِي آيَاتِنَا مُعَاجِزِينَ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عَذَابٌ مِنْ رِجْزٍ أَلِيمٌ

Datapuwa’t sila na nagsisikap na kalabanin ang Aming Ayat (mga tanda, katibayan, kapahayagan, aral, atbp.) upang sila ay kanilang siphayuin, sila, sasakanila ang kasakit-sakit na kaparusahan
وَيَرَى الَّذِينَ أُوتُوا الْعِلْمَ الَّذِي أُنْزِلَ إِلَيْكَ مِنْ رَبِّكَ هُوَ الْحَقَّ وَيَهْدِي إِلَىٰ صِرَاطِ الْعَزِيزِ الْحَمِيدِ

At sa mga pinagkalooban ng karunungan, nakikita nila na ang ipinahayag sa iyo (o Muhammad) mula sa iyong Panginoon ay siyang Katotohanan, at namamatnubay tungo sa Landas ng isang Pinakamataas sa Kapangyarihan, ang Nagmamay-ari ng lahat ng pagpupuri
وَقَالَ الَّذِينَ كَفَرُوا هَلْ نَدُلُّكُمْ عَلَىٰ رَجُلٍ يُنَبِّئُكُمْ إِذَا مُزِّقْتُمْ كُلَّ مُمَزَّقٍ إِنَّكُمْ لَفِي خَلْقٍ جَدِيدٍ

Ang mga hindi sumasampalataya ay nagsasabi: “Amin ba kayong patutunguhin sa isang tao (Muhammad) na magsasabisainyonakung(anginyongmgabuto) aymalansag na at maging abo at magsikalat, sa kalaunan, kayo ay (muling ibabangon ) sa pagkalikha?”
أَفْتَرَىٰ عَلَى اللَّهِ كَذِبًا أَمْ بِهِ جِنَّةٌ ۗ بَلِ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ فِي الْعَذَابِ وَالضَّلَالِ الْبَعِيدِ

Siya ba (Muhammad) ay kumatha (naggawa-gawa) ng kasinungalingan laban kay Allah, o mayroon bang pagkabaliw sa kanya? Hindi, datapuwa’t sila na hindi sumasampalataya sa Kabilang Buhay ay tahasang (ang kanilang sarili) ay nasa tunay na kaparusahan, at nasa kamalian na lubhang malayo
أَفَلَمْ يَرَوْا إِلَىٰ مَا بَيْنَ أَيْدِيهِمْ وَمَا خَلْفَهُمْ مِنَ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ ۚ إِنْ نَشَأْ نَخْسِفْ بِهِمُ الْأَرْضَ أَوْ نُسْقِطْ عَلَيْهِمْ كِسَفًا مِنَ السَّمَاءِ ۚ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَآيَةً لِكُلِّ عَبْدٍ مُنِيبٍ

Hindi baga nila napagmamasdan kung ano ang nasa harapan nila at kung ano ang nasa likuran nila, ng alapaap (kalangitan) at kalupaan? Kung Aming naisin, magagawa Naming lagumin sila ng kalupaan o hayaang ang bahagi ng alapaap (kalangitan) ay bumagsak sa kanila. Katotohanang naririto ang isang Tanda sa bawat matapat na nananampalataya (nananalig sa Kaisahan ni Allah) at bumabaling kay Allah (sa lahat ng mga pangyayari ng may kapakumbabaan at sa pagsisisi)
وَلَقَدْ آتَيْنَا دَاوُودَ مِنَّا فَضْلًا ۖ يَا جِبَالُ أَوِّبِي مَعَهُ وَالطَّيْرَ ۖ وَأَلَنَّا لَهُ الْحَدِيدَ

At katiyakang Aming iginawad noon pang una ang Biyaya kay david mula sa Amin (na nagsasabi): “o kayong kabundukan! Luwalhatiin ninyo (si Allah) na kasama siya! Gayundin kayong mga Ibon! At ginawa Namin ang bakal na malambot sa kanya,”
Load More